Chapter 8
"Take a picture of me." sa kalagitnaan ng aming pagtambay ay bigla niyang sinabi iyon.
Gaya ng sabi ko, hindi gaanong kalaki ang mall na ito. Crossroad ito kung tawagin namin. Dahil malapit lamang ito sa crossroad papuntang Quezon ave, Baesa, caloocan at talipapa.
Hanggang second floor lang ang mall pero malaki ang lupain. Hindi nga lang gaano tulad ng nasa Trinoma and sm north. Kumbaga para lang siya sa mga nakatira rito malapit. Actually mas malaki pa nga ang hypermarket na katabi lamang ng lanting, eh. Ah basta! So, ayun na nga. Kinuha ko ang cellphone ko. Sa likod niya ay glasswall ng teashop at ang tanawin na puro establishamento, mga sasakyan pero hindi na kita 'yun syempre. Bali mga halos second floor building lang ang makikita kung kukuhanan ko siya ng picture.
Nakadagdag sa magandang imahe sa likod niya ang panghapong araw. It was a beautiful spot to take a picture so, kinuhanan ko siya. We both laughed after I take the first shot.
Unang larawan ay nakahalukipkip siya. Seryosong nakatingin sa salamin, nakataas ng bahagya ang kilay at parang nang-aakit na tinitignan ka.
Sunod na kuha naman ay nakapangalumbaba siya sa mesa, nakaside view at seryosong nakatingin sa gilid niya. Ang panghapong arae na tumatama sa ilong at buhok niya ay nakadagdag sa kagwapuhan niya. Naging kulay brown din ang mata niya dahil sa araw.
Napakagandang tanawin, maaari ko bang angkinin?
"Smile ka naman diyan."
Sa pangatlong kuha ko ng litrato niya, humarap siya sa akin, ngumiti... kinuha ang kamay ko... at hinalikan iyon.
Hindi ko na napansin ang sunod-sunod na pagpindot ko sa cellphone ko habang ginagawa niya iyon. Mas nanaig ang puso kong mabilis ang tibok. Ang mata niyang nagsusumamo habang hinahalikan ang kamay ko at ang ngiti niyang parang natanggap niya ang pinakamagandang regalong natanggap niya.
Umawang ang labi ko. Talagang hindi inaasahan ang ginawa niya. He chuckled when he my shocked face then he pinch my cheeks.
"Kilig na kilig ka, muntik ko ng hindi mahalata." tumawa siya. Nagising ako sa pagkakatulala at inirapan siya.
Napakapa-fall niya!!!!! Shiitt!!!!!! Aaahhh!!!!
"Napakaepal! Ako naman kuhanan mo, sayang saya ka, ha!" ngumsi lang siya at nilabas ang cellphone niya.
"Sigesige, bigyan mo ako ng... sakit ulo pose!" natawa ako sa sinabi niya pero pumost pa rin ako.
"'Yung nag peace sign ka pero plastik na kaibigan kasama mo sa photo!" nangunot ang noo ko sa sinabi niya pero nag peace sign pa rin. Sira ulo!
"Next... flirt pose!" I combed a small amount of my hair then nilagay ko 'yun sa kabilang bahagi ng ulo ko then I winked at the camera.
Nawala saglit ang pagkakangiti niya. Natulala pero sunod-sunod na umubo bago nagsalita ulit. Umiiling-iling pa.
"Fierce!"
"Labas dila!"
"Pacute!"
"Natatawa kahit walang nakakatawa!"
"May araw pose!"
"Kunwari nakita mo si crush na may kasamang iba pose!" nanlalaki ang mata ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw crush ko! So, may kasama kang iba?! Paano na?! Hindi ako makakapose ng ganun!"
"Huuuh?!"
"Nevermind! Panget mo!"
"Huuuuuuuh? Anong sabi mo?"
"Wala. Next pose na!"
YOU ARE READING
Fall Of Leaves (COMPLETED)
Short Story(SHORT STORY/) Lorraine Acaylar, an SSG president, a good leader, a topnatcher, and a teacher's pet. She's friendly, of course. She's kind and a fighter. She will fight what she think's right. Sa pagiging tutok niya sa pag-aaral at pagiging isang l...