CHAPTER 5
"Pa! Hindi ko siya boyfriend! Issue ka po!"
"Eh, bakit magkasama kayo? Aniya pa ni papa, masaya at nagtatawanan pa kayo?" malisosyong angil ni Ate. Inirapan ko siya.
"Hindi ba pwedeng nagkakatuwaan dahil sa topic?!"
"Eh bakit hinahatid ka niya? Bandang dulo ang bahay na 'tin sa street na ito at kilala ko ang mga kasing edad mo na nakatira sa bahay malapit sa atin. 'Wag mo ako mabigyan-bigyan ng excuse na kapitbahay na 'tin 'yan at nagkasabay lang kayo dahil bago sa paningin ko ang pagmumukha niyan ni boy." mas lalo kong tinapunan ng masamang tingin si ate. Ang paepal!
"Bawal bang ihatid ang isang kaibigan? Huh? Anong oras na po, nakakahiya sa magulang ni Sky. Pakawalan niyo na at gabi na po. Please?" nag puppy eyes pa ako. Sabay-sabay silang napaismid na tatlo. Tila ba'y luging-lugi o kaya naman ay na scam sila. Hay.
"Boy, sumagot ka ng maayos. Hindi kami magagalit at pagkatapos nito ihahatid mismo kita kung saan ka man nakatira..." seryosong sabi ni Papa. Napalingon ako kay Sky at nakitang nakaawang ang kanyang labi. Straight na straight ang pagkaka-upo na parang sundalo. Ang cute niyang tignan at natatawa ako sa istilo niya ngayon ngunit sa isip ko lamang magagawa iyon dahil nasa nakakainis at nakakahiyang sitwasyon ko. Ikaw ba naman maipit sa pangsasabon ng pamilya mo, at kasama pa talaga 'yung crush mo! Nakakahiya!
Eh, sa katunayan nasa getting to know stage palang kami. M.U kung tawagin tapos ganito, hay.
"A-Ano po 'yun Sir?"
"Mukha ba akong teacher sa 'yo?" pambabara ni Papa.
"U-Uh... Tito?"
"Mukha bang pamangkin kita?" pambabara uli ni Papa. Nagpipigil na kaming tatlong babae rito nila Mama dahil talagang mukhang nakakatakot ang seryosong mukha ni Papa tapos si Sky naman mukhang natatae or what. Binibiro lang naman siya ni Papa. Pfft!
"N-Ninong?"
"Aba'y lintek ginawa pa akong instant kumpare ng Tatay nito!" sabi uli ni papa kay Sky. Namula ang tenga at pisngi niya. Napakuyakoy siya ng paa at mukhang nagpapawis na rin ang kamay niya dahil paulit-ulit niyang kinikiskis iyon sa pants niya.
Napaiwas ang ng tingin. Hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa pagpipigil ang tawa. Kahit sina mama ay napahawak na sa bibig upang hindi humagalpak ng tawa.
"Uh, sorry p-po... pre?" sabi ni Sky na binulong pa ang huling salita. Hindi na namin napigilan at sabay-sabay na kaming humagalpak ng tawa. Si Papa napailing-iling at lumapit kay Sky at tinapik-tapik ito.
"Pre, huh? hahahaha!"
"Trip kana ni Papa kanina pa, mukha kang natatae." asar ko sa kanya at muling natawa. Awkward na nakisali nalang din siya sa pagtawa naming mag-anak.
"Pero pre, seryoso, ano ba kayo nitong anak ko? Kilala ko 'yan hindi nagpapahatid 'yan sa kaibigan. O sa kahit sinong ibang lalaki. Kahit kaclose niya pa. Mailap 'yan sa mga lalaki dahil ewan ko, bakit nga ba anak? So, ano? Nililigawan mo ba anak ko o jowa na kayo?" automatikong nawala ang ngiti sa labi ko. Pinamulahan ako ng pisngi kaya napaiwas ako ng tingin.
Ramdam ko naman na mas naging malisosyo ang tingin ni ate sa amin. Hay. Hindi pa rin pala tapos ang pangsasabon. Akala ko nakalimutan na ni Papa. Grr!
"Pa..." tawag ko kay Papa. Nilingon ko si Mama nanghihingi ng tulong pero imbes ay kinindatan niya lamang ako at nag finger heart pa. Hay.
"Uh... uhm... gusto ko po Lorraine..." sabay-sabay na napasabi ng "YES!" sina mama, papa at ate sa sinabi ni Sky. Nanlalaki naman ang mata ko at nilingon siya. "Pero... getting to know po muna kami. M.U. po. Pero uhm, para ko na rin po siyang nililigawan pero walang pagmamadali. Okay lang naman po, kaya ko naman po siyang hintayin hanggang sa handa na siya." nilingon niya ako at nginitian. Kumabog ang puso ko at napangiti sa huli.
Namayani ang hiyawan nila ate at mama. Habang si Papa naman ay nilambing si Mama. Nainggit siguro haha.
"At dahil diyan, dito kana kumain boy! Hatid ka namin hanggang sainyo mamaya 'wag kang mag-alala. May landline kami lagay mo number ng magulang mo papaalam ka nitong masarap kong misis." ngumisi si Papa. Sabay-sabay na nalukot ang mga mukha namin nila mama at ate.
"Papa!" sabay-sabay rin naming sabi na tinawanan lang ni Papa. Nakita kong natawa rin si Sky kaya napailing ako. Manyak!
Kinurot-kurot ni mama si papa at hinila na sa dining area namin. Aayusin pa siguro ni Mama 'yung niluto niya. Si ate naman umakyat para kunin 'yung cellphone niya. Naiwan nalang kaming dalawa ni Sky sa sala.
"Pasensya kana sa pamilya ko, ha. Lalakas trip, hmp!" sabay kaming natawa.
"Wala 'yun, oks lang. Cute nga ng pamilya mo, eh. Pero awit, kinabahan talaga ako sa Papa mo. Muntik na ako maihi nakanang!" natawa kami.
"Gagi, sorry talaga. Lakas mangprank ni Papa. Hindi rin kasi mukha na kaya niyang gawin 'yon. Mukhang seryoso sa buhay pero maloko rin 'yun!"
"Mukhang alam ko na kung saan ka nagmana." napangiti ako sa sinabi niya.
"Yep. Kay papa. All of my relatives laging si Papa ang nakikita sa akin. Kaya rin ako naging Papa's girl. Kasi ayon nga magkatrip kami tas magkavibe. Parang girl version lang ako ni Papa."
"Dalawa lang kayong magkapatid?"
"Yep. Both girl. Kayo?"
"Lima kaming magkakapatid. Dalawang babae tapos tatlong lalaki."
"Anong work ng parents mo? Uhm, you don't mind?" he chuckled and pinch my cheeks.
"It's okay, we're on our getting to know. It's alright. Si Mama teacher sa public school tapos si Papa naman engineer. Dito nakadestino 'yung trabaho niya kaya ayon, buong pamilya kami nandito. How about you?" ngumiti kami sa isa't isa. We're really doing getting to know each other. Nakakataba lang ng puso dahil talagang nagagawa namin ito because nowadays people who on our age are just doing 'go with the flow'. Sabay lang sa agos. Basta may bebe, basta lang na may matawag silang bebe, jowa o boyfriend and girlfriend ay ayos na. Hindi nila kinikilala ito ng mabuti then kapag hindi nag work, hahanap nalang ng iba.
It's toxic. Literal, but it's their way to love someone. Sana lang hindi sila pumapasok sa isang relasyon sa ganitong edad para magkaroon ng 'experience'. Being in a relationship is not a joke. You need to invest your pure intention, your heart and your damn time if you want it to work.
Hindi ito isang laro lang na pwede kang sumabak nang sumabak. Laro ka nang laro at matatalo ka nang matatalo dahil hindi ka muna naghinga at premeno. Hindi mo tinanong 'yung sarili mo na, "Handa na ba ako?" basta kana lang sumulong ng hindi ka handa. Wala kang kahig anong weapon para lumaban ang maproteksyunan ang sarili mo. Kaya ang ending, ikaw na nga ang nawalan, ikaw pa ang naging pabaya sa sarili.
Hindi mo namalayan na ubos kana.
Hindi mo namalayan na talo kana.
Hindi mo namalayan, na wasak na wasak ka... nag-iisa... sa laban na pareho ninyong pinasok at sinugal.
"Si Mama ay nag oonline business, si Papa naman ay isang NBI agent."
"Wow." natawa ako sa reaksyon niya.
"Yeah, wow na wow." sabay uli kaming natawa.
Nagkwentuhan pa kami pero hindi rin iyon nagtagal dahil naputol din iyon nang tawagin kami nina Mama para sa hapunan.
Sabay-sabay kaming kumain at pagkatapos no'n hinatid din namin siya sa bahay nila. As in lahat kami! Ako, si Ate, si Mama at Papa!
Wow Skyler Jefferson Castañeda, mukhang botong boto sa 'yo pamilya ko, ha! As in Wow!
To be continued . . .
YOU ARE READING
Fall Of Leaves (COMPLETED)
Short Story(SHORT STORY/) Lorraine Acaylar, an SSG president, a good leader, a topnatcher, and a teacher's pet. She's friendly, of course. She's kind and a fighter. She will fight what she think's right. Sa pagiging tutok niya sa pag-aaral at pagiging isang l...