CHAPTER 7

11 1 8
                                    

A/N: Mareng Lorraine, sana masaya ka sa update na 'to. HAHAHA mwaps!

Chapter 7

Gaya ng plano niya, natuloy nga kami sa pamamasyal after ng simba. Kumain kami sa isang restaurant sa maliit na mall sa sagandaan. Sumakay kami sa jeep papunta roon.

"Dito ka," nagulat ako ng hawakan niya ako sa bewang. Pinapaupo sa bungad na upuan ng jeep. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya.

"Possessive, eh?" asar ko. Ngumuso lang siya at umiwas ng tingin. Nagsusuplado o hindi ata alam ang sasabihin sa asar ko.

"Sungit naman, kakasimba lang na 'tin, oh." sabi ko uli. Napahawak ng bahagya sa braso niya kasi medyo matulin 'yung pagpapatakbo no'ng driver. Kaskasero!

Sumbong ko kaya 'to sa barangay! Hindi nag-iingat! Nagmamadali, kala mo mauubusan ng pasahero, haynaku!

"Shit!" humigpit ang kapit ko sa braso niya. Bahagyang tumama ang braso niya sa dibdib ko. Pinamumulahan na ako ng mukha at hindi ko alam kung dahil ba iyon doon o dahil sa takot!

"Manong pakibagalan naman, ho! Drive na drive amputa, pag kami nadisgrasya... shit!" nilingon niya ako, binakuran. Humawak siya sa kapitan sa gilid ko para hindi ako tumalsik masyado.

"Hey... Sky, it's alright, hindi mo kailangan magmura." tinapik ko ang braso niya. Ginulo niya ang buhok. Naiinis na.

"Parang sira kasi, may matanda, may bata at nandito ka tapos ganyan magpatakbo. Ingat na ingat nga ako sa 'yo tapos dito ka naman madidisgrasya. Hay!" Hinaplos ko ang braso niya. Pinapakalma siya. Kinagat niya ang labi niya at nilingon ang kamay kong nasa braso niya.

Tinitigan niya iyon bago kinuha ang kamay ko. Iniyakap sa bewang niya. Umakbay ang isang kamay niya sa akin at nanatili 'yung isa sa sabitan sa gilid ko.

"I'm sorry, can I make a move now? Hindi ko lang mapigilang hindi ka bakuran, tangina... lagi akong nag-aalala sa 'yo. Ewan!" ngumiti ako. Humilig sa kanya kaya natigilan na naman siya.

"Gusto ko lang malaman mo na gusto kita Sky. Gusto kita." umawang ang labi niya. Uminit ang pisngi ko lalo sa hindi inaasahang pagcoconfess pero ang mas nakapagpapula no'n ay ang makitang namumula ang tenga at pisngi niya.

Natawa ako at hinawakan ang pisngi niya. Iniwas niya iyon kaya mas lalo akong natawa. Sa buong ride inasar ko siya, thank god din at naging kalmado na rin ang pagpapatakbo ni manong sa jeep. Siguro ay nasa 20's palang iyon kaya ayun, medyo tarando. Kung hindi pa kagagalitan noong matandang pasahero ay hindi siya magpapatakbo ng maayos. Hay.

Sabay naming inirapan ni Sky 'yung driver ng jeep ng makababa kami. Ngumisi siya at inakbayan ako habang tumatawid kami.

"Saan mo gustong kumain? Libre ko."

"KKB nalang, may dala naman akong pera, eh."

"Ako nag-aya sa date na 'to kaya kargo ko lahat." sumensyas siya sa jeep na papalapit sa amin, hinawakan niya ako sa bewang at pinagpalit ang pwesto namin.

"Date?"

"Huh? Anak ng pucha, 'di mo alam na date 'to? Ouch, flinirt pa naman kita sa simbahan, nakakahiya kay father." natawa ako sa sinabi niya.

"'Di ko alam na date ang tawag dito. Akala ko casual na pasyal lang? Ewan Haha, sorry!" nakatawid na kami. Nasa tapat na kami ng maliit na mall.

Huminto siya at hinarap ako. Pinisil niya ang pisngi ko, "Hay. Ang cute mo." sabi niya at hinawakan ang kamay ko't nagsimula na siyang maglakad.

Napanguso nalang ako.

"Ah basta, kkb tayo today tapos kapag tayo na, tsaka mo na ako ilibre." natigilan siya sa sinabi ko. Napanguso, nagpipigil ng ngiti.

Fall Of Leaves (COMPLETED)Where stories live. Discover now