CHAPTER 3
Nang gabing iyon, pagkauwing-pagkauwi ko palang, nakatanggap agad ako ng friend request mula sa Skyler Castañeda sa facebook. Nanlalaki pa ang mata ko ng pati sa instagram at twitter may naka follow sa akin mula sa @Skyflakes08 na pangalan!
Ano 'to?! Stalker!? Ngali-ngali ko siyang diniem sa IG dahil mas trip ko roon magchat. Ang cute kasi hihi.
Ako:
Stalker! Saan mo nakuha name ko sa ig at twitter!? Sa fb tanggap ko pa pero sa ig at twitter!? Really? Are you stalking me, MR SKYFLAKES!?
Nagulat ako ng makita kong may nagtytype. It means, open siya! Omg!!!
Sky:
Lol. Hindi po ako stalker. Binenta lang naman ng dalawa mong kaibigan 'yung pangalan mo sa ig at twitter kasi mas active ka raw do'n. Hahaha bait nila,'di ba?
Natigilan ako sa sinabi niya. Assuming ka, Lorraine!!!Ako:
Okay, sorry for being judgemental.
Nakagat ko ang labi ko at naupo sa tapat ng study table ko. Naka-uniform pa ako. Hindi pa nakakapagpalit dahil mas inuna ang paglalandi. Choss.
Sky:
It's okay. I'm guilty, actually. I'm stalking you right now. Lol. Cute mo po idolo.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag-ngiti at pagtawa. Napapikit ako saglit bago nagtipa ng reply.
Ako:
Hindi naman. Hahaha
Syeeeeet!!!!! Hindi ko alam sasabihin ko!!! Hindi ako matopic, tapos walang sense mga reply ko! Hindi rin ako sanay makipagchat dahil wala namang nagchachat sa akin ng ganito. So, paano uusad ang paglalandi ko?
Wait, whaaat? Landi? Really? Napabuntong-hininga ako.
Maybe... maybe I should try. I'll just try and if nagwork edi goods and if not, it's okay. It's okay at least I give it a try. To love and to be happy with someone else.
Sky:
Humble. Ang cute Hahaha
Ako:
Bolero
Sky:
Bolero na gwapo. 😎
Aba! Nagbuhat panga ng bangko! Natawa ako sa emoji niya.
Ako:
Ang hangin grabe, abot sa bahay namin kahanginan mo.
Sky:
Okay nga 'yon kasi maaaring umabot din diyan sa bahay niyo ang pagmamahal ko. 😉
Impit akong napatili sa reply niyang iyon. Nagtatalon ako sa kama ko at napahawak din ako sa dibdib ko.
ANG BILIS NG TIBOK NG PUSO KO!
"Omygod... shit! Totoo ba 'to? Is this the sign lord? Should I grab it? Yeah... I should." parang sirang pagkakausap ko sa sarili ko.
Pabuntong-hininga akong nahiga sa kama ko. Nag iimagine ng maaaring mangyari kung magkakaroon ako ng boyfriend.
Araw-araw may susundo sa akin, maglalakad kami papunta sa school at pauwi para mahaba ang oras. Aakbayan niya ako sa daan, lilibre niya rin ako sa street foods o kahit sa fastfood. Pero syempre, hindi ako papayag na gano'n, ipipilit ko na magbabayad din ako hanggang sa magkakasagutan kami. Magtatampo ako tapos susuyuin niya ako. At syempre pa, marupok akong tao kaya magbabati kami. Sa first monthsary namin, kahit ayoko ng mga material na mga bagay, susupresahin niya pa rin ako. Magugulat ako tapos yayakapin niya ako ng mahigpit ta hahalik-halikan sa noo!!!! Omg!!! Ahh!!!!!!!!!!
"LORRAINE! KAPAG HINDI KA PA BUMABA RITO KAKALAD KARIN NA KITA NG BONGGA!!" napabalikwas ako ng bangon. Namumula ang pisngi ko at napatakip pa ako sa bibig ko para mapigilan lang ang pagtili.
Syet na malagkit!! Imagine palang 'yon pero kinikilig na ako! Paano kung totohanan na?! OMYGOSH! LORD!
"Sorry! Baba na!" dali-dali akong nag-ayos ng pambahay at pagkatapos lumabas na.
Iniwan ko ang cellphone ko sa kwarto ko pero bago pa 'yon nag-iwan muna ako ng reply sa kanya.
Ako:
Edi wow.
Oh, 'diba ang tino ng reply ko. Hihi.
---
"Goodmorning!"
"Ay puke!"
"Hala, bas2s!" napatakip siya sa bibig at nag gesture pa ng two sa daliri. Natawa ako at napalo siya sa braso.
"Gagi nakakagulat ka!" sino bang hindi magugulat sa ginawa niya, umagang umaga hindi ko akalaing bigla susulpot 'yung taong laman ng isip ko simula kagabi pa. Hay.
"Sabay na tayo pumasok, ha. Hinintay talaga kita."
"Huh? T-Talaga?" napakamot siya sa batok 'saka nahihiyang tumango.
"Y-Yeah..." napa-iwas ako ng tingin. Pinamulahan ako ng pisngi at napakagat rin sa daliri.
Kung kanina medyo mabilis ang lakad ko. Ngayon, napabagal na. Parang gusto ko pa siyang makasabay sa daan. Parang gusto ko pang humaba ang daan.
Nahuhulog na ba ako? Ng gano'n kadali? Hindi ba masyadong mabilis? Hay. Hindi pwede ito.
Maybe I should guard my feelings for now. Kaibigan muna. Kilalanin muna siya. Hindi dapat padalos dalos dahil puso mo rin ang nakataya.
Ayoko rin namang maging kaisa 'yung mga taong matatalino pero pagdating sa pag-ibig tanga. I will break that rules. I'm not gonna let that happen. Mas maganda kung pakaingatan ko ang puso ko.
"Uhm..." huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. "A-Are you hitting on me? Uh, I mean. I'm don't want to assume like this, but I can't help it. I'm not dumb and I-I know... when a guy... u-uh..—"
"I like you, Lorraine." natigilan ako at napatakip sa bibig. Matapang niya akong hinarap at sinalubong ang tingin ko.
"I know it's fast, but I know I like you. Simula sa pagkakabangga na 'tin sa isa't isa parang hindi lang ako 'yung bumangga sa 'yo pati rin yata ang puso ko. Korni man pakinggan pero ewan ko... gusto kita miss president pero syempre hindi ako magiging speed. Speed 'yung puso ko oo, p-pero hayaan mo sanang kilalanin pa muna na 'tin ang isa't isa. S-Sana 'wag ka lumayo muna sa akin. S-Sana 'wag mo muna ako idiskarga. Gusto pa kitang kilalanin. K-Kaya sana 'wag ka muna lumayo sa akin..." namumula ang tenga niya. Napakamot siya sa batok at napakagat sa labi.
Ang bilis ng tibok ng puso ko... Pero tama siya. Kilalanin muna namin ang isa't isa.
Nanatili kaming nagkatingin sa isa't isa. Walang nagsasalita. Walang ngumingiming gumalaw. Hanggang sa naramdaman at nakita kong may mga dahong unti-unting nagbabagsakan.
The fall of leaves... it's like how I fall for this guy. He's so good to be true. He speaks his mind. He is honest to his feeling.
Wala pang lalaki ang nakayang sabihin ang kanyang nararamdaman sa akin ng deretso. Kaya ang ending mauubos ang free time ko at hindi ko na magagawa pang marinig pa ang dapat na sasahibin nila.
Maraming gusto maabot ang sanga, para maabot ang dahong nag-iisa. Ngunit walang pinalad na makaabot no'n. Ngunit ngayon ay meroon na.
Walang kahirap-hirap niyang naabot ang sanga at naabot ang dahong ninanais niya.
The fall of leaves making us in some fairytale. In a slow motion yet passionate scene. It makes my heart beat fast.This guy got the fall of leaves. He got it. He got me.
To be continued. . .
YOU ARE READING
Fall Of Leaves (COMPLETED)
Short Story(SHORT STORY/) Lorraine Acaylar, an SSG president, a good leader, a topnatcher, and a teacher's pet. She's friendly, of course. She's kind and a fighter. She will fight what she think's right. Sa pagiging tutok niya sa pag-aaral at pagiging isang l...