Pagpasok ko ng bahay .. nakita ko si Ken na nanonood ng tv. Hindi nya ako napansin kaya tinapik ko sya.
"Hoy! Seryoso ka ah?"
"Ay anjan ka na pala. Ganda kasi ng game eh. Haha."
Ngumiti ako at umupo sa tabi nya. Nagulat naman ako nang bigla nyang iangat yung mukha ko at hinarap sa kanya.
"Umiiyak ka ba Trishia?"
Pinilit kung iiwas ang tingin ko sa kanya. Yumuko ako at inalis ang kamay nya sa mukha ko.
"No Im not. Bakit naman ako iiyak? Teka, kukuha muna ako ng makakain natin ah? Wait lang .."
Tumayo agad ako bago pa sya makapagsalita. Pagdating ko sa kusina, naabutan ko si Manang.
Ngumiti lang ako sa kanya at kinuha yung mga junkfoods at drinks sa ref. Aalis na sana ako nang pinigilan ako ni manang.
"Nasasaktan ka na Isay. Kaya mo pa ba?"
"Po?" Di ko gets si manang. Anong ibig nyang sabihin? Pero imbis na sumagot, tinuloy na nya ang ginagawa nya.
Bumalik nalang din ako sa sala. Ngumiti sakin si Ken pagkalapag ko sa pagkain.
"Anong problema Trishia?"
Bigla akong kinabahan sa tanung ni Kenneth. Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.
Alam na kaya nya?
"Wa--wala naman. Bakit mo natanung?"
"Obvious Trishia. Pero kung ayaw mong sabihin, okay lang. Basta, nandito lang ako."
Tumango nalang ako sa kanya at tinuon na ang mata sa tv. Sa totoo lang, wala naman sa TV ang isip ko eh.
Nilingon ko si Ken. Seryoso parin sya ..
Kung sana alam mong ikaw ang problema ko :((.
Pagnalaman kaya nya, sasabihin parin ba nya na andito lang sya para sakin?
Im sorry Ken .. pero mahal na kita. Sorry. ~T_T~
"Gosh Trishia why are you crying?"
Dun ko lang namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi dapat nya nakikita na umiiyak ako.
Pero ngayon, hindi ko na kayang magtago. Sobrang sakit na ng puso ko. Nasasaktan na ako ng sobra :((.
"Shhh .. iiyak mo lang yan. Im here for you .."
Naramdaman ko ang kamay ni Ken sa likod ko. At dahil dun, mas lalo pa akong humagulgol.
Niyakap ako ni Ken. Yung yakap na parang sinasabi nya na andito lang sya para sakin.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
----
Nagising ako dahil sa tyan ko. Nagugutom na kasi ako eh. Pagtingin ko sa oras 9pm na pala.
Ang pinagtaka ko ay paglingon ko, nasa kwarto na ako. Nakakumot pa ako. Sa pagkakaalam ko kasi nasa sala lang ako kanina eh.
Bumaba ako para kumain. Nagulat pa ako nang makita ko si manang sa kusina.
"Manang bat gising pa po kayo? Gabi na ah?"
"Buti naman gising ka na. Alam ko kasing gugutumin ka kaya hinintay kita. Ayan, kumain ka na."
Nag thank you ako kay Manang at nag umpisa ng kumain. Naramdaman ko namang umupo si manang sa harap ko.
"Nakatulog ka kakaiyak.. kaya dinala ka nalang nya sa kwarto mo."
Napatigil ako sa pagkain at tumingin kay manang. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya yumuko nalang ako.
"Alam kung nasasaktan ka na Isay. At alam ko rin kung bakit. Kahit di mo sabihin sakin, nakikita ko sa mata mo. Mahal mo sya."
Napaangat ang ulo ko dahil sa paghawak ni manang sa kamay ko. Kita ko sa mata ni manang ang awa.
Ganun na ba talaga ako kakawawa?
"Subukan mong iparamdam sa kanya. Malay mo mahal ka din nya. At kung hindi man, awat na. Huwag mong saktan ang sarili mo. Sige mauna na ako, iwan mo nalang yang kinainan mo."
Napatunganga ako dahil sa sinabi ni manang. Kelangan ko ba talagang ipaalam sa kanya?
Hindi ko pa kaya. Hindi ko pa handang harapin ang sakit. Kaya ko naman siguro eh ..
Takot lang akong masaktan. Yan ang totoo!
Panu ang friendship namin ? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ang hirap mag decide.
BINABASA MO ANG
I wont give up...
Teen FictionKahit paulet ulet akong mapahiya at masaktan, okay lang. Wala na akong pakialam. Lulunukin ko lahat ng pride ko para sa pangarap ko. At kahit kelan hinding hindi ko susukuan ang isa sa mga pangarap ko. Yun ay ang mahalin ako ng isang lalaking nag ng...