"Mag ingat ka Isay ah? Kumain ka dun ng maayos." Napangiti nalang ako sa mga bilin ni manang sakin.
Ngayon na kasi ang alis ko. Hindi na ako magpapagatid pa sa kung sino. Gusto ko ako lang mag-isa. Andito rin si Ashton sa bahay ngayon. Si Alice lang ang wala.
Niyakap ko si manang. Hinalikan naman nya ang noo ko at pumasok na ng bahay.
"Manang saan po kayo pupunta?" Tawag ni Ashton kay Manang.
"Sa loob bakit?"
"Asus. Naiiyak ka lang eh kaya ka nagmamadaling pumasok. Hahaha."
"Hay nakung bata ka tigilan mo ako."
Natawa din ako sa pang aasar ni Ashton kay manang. Maya maya pa ay naging seryoso na si Ashton.
"Mamimiss kita Trishia. Tawagan mo ko lage ah?"
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.
"Mamimiss din kita. Dont worry, tatawag ako lage pag di ako busy."
Niyakap din nya ako pabalik. Hinding hindi ko makakalimutan ang taong to.
Pagdating ng sundo ko, kumalas na sya at pabiro pa akong tinulak palayo sa kanya.
"Sige na. Umalis ka na.. baka kasi magbago pa takbo ng utak ko at di kita paalisin eh."
Natawa ako at niyakap sya ulet. Yumakap naman sya at hinalikan ang noo ko.
"Bye Ashton. See you soon okay?"
"Bye. Ingat."
At tuluyan na kaming umalis. Habang palayo kami ng palayo sa bahay, mas lalo kung namimiss sila.
Naramdaman ko nalang na tumutulo na pala ang luha ko.
Damn Trishia! Kelan ka ba titigil sa kakaiyak mo?!
Pinunasan ko ang luha ko at lumingon sa bahay. Pero di ko na nakita ang bahay. Malayo na kasi kami ..
Mamimiss ko si Ashton. Kung magtatanung kayo kung anong meron samin? Well, wala.
Ou sinasabi nyang mahal parin nya ako. Pero hindi nya pinipilit ang sarili nya sakin.
Special kami sa isat isa. At nangako sya na kahit anong mangyari, hindi nya ako iiwan.
"Maam nandito na po tayo." Napalingon ako sa driver at tumingin ako sa labas.
This is it Trishia.
Dream come true. Sa wakas nakikita ko na ang future ko sa loob ng ship na yan XD.
Aalis ako na masaya. At aalis ako na inspired sa lahat ng mga taong nagmamahal sakin.
----
"Trishia .. uso magrelax paminsan. Pagpahingahin mo naman ang sarili mo."
Tumawa lang ako sa kanya. Si Krista yun, kasamahan ko. Waitress sya while bartender naman ako. Oh yes! Pinanindigan ko na talaga yung bartending kahit di halata.
Breaktime namin ngayon kaya sinesermonan na naman ako ni Krista. As if naman hindi ako nagpapahinga. Lage nyang sinasabi na kelangan ko din daw mag relax.
Well, iba naman kasi ang relax nila kaysa sakin. "Ano ka ba Krista, nagpapahinga naman ako ah?"
Umirap naman sya sakin. Haha. Sanay na talaga ako sa kamalditahan nya.
"Duh. Nagpapahinga ka sa kwarto. Hindi ka nga nakikipagbonding samin eh. Kasi lage mong kausap yang Ashton mo.!"
Speaking of Ashton!
Naku po!
Nagpromise pala ako na tatawag ako ngayon!
Napatingin ako kay Krista na nakakunot ang noo.
"What time na Krista?!"
"10pm. Bakit?"
Oh shit!
"Excuse me muna. Emergency! Bye!" Tumakbo na ako papuntang cabin ko at kinuha ang laptop.
Sakto pagkaopen ko online pa si Ashton. Tinawagan ko sya agad.
"Trishia! I miss you so much. Akala ko hindi ka na tatawag eh :))"
"Im sorry. Medyo busy ng kunti. Wait! Bago pa lumagpas ng midnight, pabati muna ah? Hehe. HAPPY BIRTHDAY ASHTON :))"
Ngumiti sya at nag thank you. Birthday nya kasi ngayon kaya hindi pwdng hindi ko sya mabati.
"So, how was the party? Is it over?" Ngiting tanung ko sa kanya.
"Masaya. Pumunta si Alice. Ikaw lang kulang :)). And .. i have great news."
"Talaga? Ano yun?" May kinuha sya sa table nya at pinakita sakin. Hindi ko masyadong mabasa kaya natawa sya.
"What's that?"
"Trishia.. finally tanggap na ako sa company na inaapplyan ko! See? Passport at mga ducuments ko to. Makakalipad na ako."
Kita ko ang sobrang saya ni Ashton. He deserve it. Napangiti ako sa kanya.
"Congratulations :)). Kung sana anjan lang ako niyakap na kita. Haha. Anyway, kelan alis mo?"
"Ahm .. next week na."
"Ganun ba? So does it mean na hindi tayo magkikita pagkababa ko?"
Huminga sya ng malalim at tumango. Nakita ko naman na medyo lumungkot ang itsura nya kaya tinawan ko sya.
"Hey Ashton! Its okay .. magkikita at magkikita parin naman tayo eh. Okay lang yun:))"
Napangiti naman ulet sya at bumalik sa dati ang itsura nya.
Nagkwentuhan lang kami dun hanggang sa di ko na namalayan ang oras. At may something akong na missed.
Q_Q
Damn! Damn talaga!
May duty pala ako!
PATAY !!
BINABASA MO ANG
I wont give up...
Teen FictionKahit paulet ulet akong mapahiya at masaktan, okay lang. Wala na akong pakialam. Lulunukin ko lahat ng pride ko para sa pangarap ko. At kahit kelan hinding hindi ko susukuan ang isa sa mga pangarap ko. Yun ay ang mahalin ako ng isang lalaking nag ng...