Its been 2months since nung naging official boyfriend/girlfriend kami ni Ken. Just like what he said before, bumabawi sya sa lahat.
Okay ang lahat. Family, business, and lovelife. Si Ashton? Well, he said he's okay. But Im pretty sure na hindi. Okay na sila ni Ken. Nakapag-usap na sila nung thanks giving party ko. Si Alice naman, super busy as a business woman and hotelier. Im so proud of her.
Kami ni Ken? Super okay. Actually kinasal na nga kami eh :))). And now, buntis na ako sa magiging unang baby namin.. XD
Pero syempre JOKE lang yun :D. Hahaha. Ang corny ba ng jokr ko? Sensya naman, INLOVE eh :D. Tsaka.. naku naman. Hahaha. Ang bata pa kaya namin to settle down. Hindi pa namin napag-usapan ang ganung bagay. Hehe. Peace XD!
Everything was doing well. Pero hindi sa lahat ng panahon okay ang lahat. Tulad ngayon ...
Super nagmamadali kami papuntang airport para maabutan ang BESTFRIEND ko na aalis nang wala man lang paalam sakin. Ang saya dba? Psh .. -_-
Tumawag kasi sakin si Alice kanina. At sinabi nya na ngayon daw ang alis ni Ashton papuntang Mexico. Ayaw daw ipaalam sakin ni Ashton kaya kanina nalang din nya nasabi. Kaya rush na rush kami ngayon ni Ken.
10:30am kasi ang sinabing flight ni mokong. Eh quarter to 9 na malayo pa kami. Dagdagan mo pa ng sobrang traffic kaya di na ako mapakali.
Napatingin ako kay Ken dahil hinawakan nya ang kamay ko. Katabi ko sya, syempre sya nag dadrive eh.
"Relax Trishia .. promise makakabot tayo. Okay? Relax ka lang."
"Okay okay. Sorry .. kinakabahan lang ako."
Nagsmile sya sakin at hinawakan lang nya ang kamay ko habang nagmamaneho sya.
Maya maya lang din nakarating na kami sa airport.
Sa wakas!
Tumakbo agad kami pagkalabas namin ng kotse at hinanap si Ashton. At ayun sya .. prenteng nakaupo.
Lumingon ako kay Ken at binigyan naman nya ako "go" sign kaya nilapitan ko na agad si Ashton.
"Hoy Ashton!"
Mukhang nagulat ata sya sa pagpalo ko sa kanya kaya napatayo sya bigla. Tiningnan nya ako ng nakakunot ang noo. At alam kung gusto nyang itanung kung bakit at paano ko nalaman na andito sya. Tinaasan ko lang sya ng kilay.
"Ano? Titingnan mo lang ako ng ganyan? Mind explaining your drama Ashton? If you want to know kung paano ko nalaman na aalis ka, sorry ka. Wala akong balak sagutin ang tanung mo."
Umiling naman sya at akmang uupo na sana sya ulet pero hinawakan ko sya sa braso.
"Wala kang sasabihin? At kelan ka pa naging snob? Bakit ka aalis? Dahil ba sakin? Ashton wag ka namang ganyan! Tapos ... tapos hindi ka pa nagpaalam sakin."
At ayun na nga! Nag-uunahan na naman ang mga luha ko sa pagpatak. Dali dali ko namang pinunasan yun gamit ang mga kamay ko. Nakita ko namang nagpanic si Ashton at napatingin sa paligid. Hinawakan nya yung mukha ko at pinunasan ang luha ko.
"Shhhh .. stop crying Trishia. Baka anong isipin ng mga tao oh? Look, tumitingin na sila satin."
Napatingin din ako sa paligid. Tama nga sya. Pero ... WALA AKO PAKE! Sinamaan ko sya ng tingin at pinalo sya sa braso. Napa-aray naman sya.
"At kelan ka pa naging selfish?! Ano namang paki ko sa mga nakatingin? I dont care about them!"
Napakamot sya ng ulo at hinila nya ako palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
I wont give up...
Teen FictionKahit paulet ulet akong mapahiya at masaktan, okay lang. Wala na akong pakialam. Lulunukin ko lahat ng pride ko para sa pangarap ko. At kahit kelan hinding hindi ko susukuan ang isa sa mga pangarap ko. Yun ay ang mahalin ako ng isang lalaking nag ng...