"Trishia .. :(("
Tiningnan ko si Alice na ngayon ay malungkot ang mukha.
"Bakit?"
"Ehh .. hindi ba talaga tayo pwdng magkasama sa OJT ? Gusto kita makasama."
Ngitian ko lang sya at umiling ako sa kanya habang busy ako sa pag aayos ng bag ko.
Pauwi na kami from school. Inasign na kasi kami kung san kami mag OOJT. Sa bar ako na assign as bartender, si Alice naman sa isang restaurant.
Magiging busy na kami ngayon. Puro ojt nalang kami eh. Pero kahit ganun, kelangan parin naming galingan to. Dito nakasalalay ang future namin.
Pagkatapos ko mag ayos ng gamit, nilingon ko na si Alice na nakasimangot parin. Haha .. hay naku.
"Lets go Alice. Marami pa akong kelangang gawin sa bahay. Ikaw din dba?"
"Okay. Tanggap ko na. Kainis eh .. :/"
Tinawanan ko nalang sya at nagsimula nang maglakad.
"Alam mo Trishia nakakainis ka na ah? Tinatawan mo pa talaga ako."
"Haha. Ang kulet mo kasi eh.. tanggapin mo nalang kasi na magkaiba talaga tayo ng assigned place. "
"Ganun mo lang kabilis natanggap yun, na hindi tayo magkasama?"
Huminga ako ng malalim at humarap kay Alice.
"Ou Alice. Kahit medyo masakit, kelangan kong tanggapin. Hindi mo kasi pwdng ipilit ang mga bagay. Depende nalang yun."
Tinalikuran ko na sya at nagpatuloy sa paglalakad palabas ng school namin.
"Wow Trishia.. yung totoo? About ba yun sa OJT or sadyang humuhugot ka lang? Haha. Intense !! Hahaha"
"Reality lang ang lahat ng sinasabi ko sayo, ano ka ba :)."
Nagtawanan lang kami hanggang sa labas ng school.
"Commute ka lang ba Trish? Asan ang prince charming mo ?"
"Tigilan mo nga ako Alice."
Tahimik lang kami dun habang nag-aabang ako ng masasakyan nang may tumawag sakin.
"Trishia, Alice.. uuwi na kayo?"
"There you are Kenneth. Hi :) Trishia, si Kenneth oh?"
Kinalabit pa ako ni Alice as if hindi ko nakita si Ken ://.
Simula nung umiyak ako sa harapan ni Ken, hindi pa kami ulet nagkausap. Ngayon ko nalang din sya nakita ulet. Sabagay .. busy kasi ako. Nakangiti sya sakin kaya nginitian ko din sya.
Namiss ko sya .. sobra.
"Bat ka nandito sa labas, wala ka na bang klase?"
"Break time namin kaya lumabas muna ako. Uuwi na ba kayo?"
Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"Wala kang kasabay pauwi Trishia. May klase pa kasi ako eh.."
"Its okay Ken. Kaya ko namang umuwi mag isa. Pumasok ka nalang sa loob. Mauna na kami ah ? :) Alice tara na."
"Bye Kenneth." Paalam ni Alice kay Ken. Nag wave naman sya samin at pumasok na sa loob.
"Are you avoiding him Trishia?" Hindi na ako lumingon kay Alice. Kasi alam kung maiiyak lang ulet ako.
"Sinasanay ko lang ang sarili ko na wala sya Alice. Besides, masaya naman ako dati na wala pa sya dba? Sige, mauna na ako. Bye."
Sumakay agad ako sa bus bago pa ako sermonan ni Alice. Pagkasakay ko sa bus, tumulo na ang luha ko.
Ou nga masaya ako dati na wala pa si Ken sa buhay ko. Pero mas sumaya ako nang dumating sya sakin.
Buong byahe umiyak lang ako. Para na nga akong tanga dun eh. Pinagtitinginan na ako ng ibang pasahero.
Pagdating ko sa bahay.. nag ayos ako ng mga gagamitin ko mamaya. Mamayang gabi na kasi start OJT ko eh.
Goodluck sakin ..
Habang nag aayos ako ng mga gamit, nag ring ang phone ko.
Ken Calling ...
"Hello Ken? Napatawag ka?"
"Pauwi na kasi ako eh, nakauwi ka na ba?"
"Ahh .. ou. Kakarating ko lang din sa bahay. Ingat ka sa byahe ah?"
Narining ko syang tumawa sa kabilang linya.
Namiss ko yung tawa nya.
"I will. Sige bye Trishia .."
"Bye."
Humiga muna ako pagkababa ko ng phone. May oras pa naman ako para magpahinga, 1pm palang. 6pm pa duty ko.
Papikit na sana ako nang tinawag ako ni manang. Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Manang bakit po?"
"May bisita ka sa baba."
Hindi ko na tinanung kung sino ang bisita ko. Baka si Alice lang yun, kaya di narin ako nag-abala mag ayos ng sarili ko.
Nagulat ako pagkababa ko. Dahil ibang tao ang naabutan ko dun na nakangiti pa sakin.
"A-anong ginagawa mo dito? Akala ko ba pauwi ka palang?"
Ngumiti sya at pinalapit nya ako. Kaya lumapit naman ako at naupo sa tabi nya.
"Did I surprise you? :)). Tsaka, bawal ko na bang dalawin ang kaibigan ko ha :)"
Kaibigan .. kaibigan lang talaga ako.
Inakbayan nya ako at ginulo ang buhok ko na magulo na dahil sa paghiga ko kanina.
Ang sarap sa feeling pag ganto. Yung ang lapit nya sakin? At nararamdaman ko pa yung init ng katawan nya.
Pero alam kung hindi pwdng ganto. Ayokong masanay sa piling nya. Kaya kahit ayokong malayo sa kanya, inalis ko parin yung kamay nya na nakapatong sa ulo ko.
"Ano ka ba, wag mo namang guluhin yung buhok ko. Magulo na nga yan eh hehe."
"Haha. Buti alam mo. Teka, Naisturbo ba kita? Sorry ah ? Panigurado kasing boring sa bahay kaya dumeretso na ako dito."
"Hindi naman. Nagpahinga lang ako. May duty na kasi ako mamayang 6pm eh."
Kumunot naman ang noo nya nang tumingin sya sakin. Ngumiti ako.
"Start na kasi ng OJT namin :))"
"Ahh .. kaya pala. Since its your first day, ako maghahatid sayo."
"Naku Ken wag na. Kaya ko naman .. tsaka baka maisturbo pa kita." Umiling naman sya at tumayo na kaya napatayo din ako.
"Ihahatid kita okay. Sige, uwi muna ako para magbihis. Babalik ako, wait for me Trishia :))"
"Teka lang!"
Nakng! Ayun dumertso na sya palabas ng bahay. Hayy. Ano pa nga bang magagawa ko? Choosy pa ba ako ? Tsk!
Go lang Trishia .. kahit in the end, ikaw lang ang masasaktan.
Umiling nalang ako dahil sa naisip ko. Wala na akong paki!
Nahiga nalang ako ulet. Pero this time, sa sofa na. Dun ko nalang hintayin si Ken.
BAHALA NA !
BINABASA MO ANG
I wont give up...
Novela JuvenilKahit paulet ulet akong mapahiya at masaktan, okay lang. Wala na akong pakialam. Lulunukin ko lahat ng pride ko para sa pangarap ko. At kahit kelan hinding hindi ko susukuan ang isa sa mga pangarap ko. Yun ay ang mahalin ako ng isang lalaking nag ng...