Nakakatuwa naman dahil ang saya ng Family Day namin. Thanks to TJ, dahil sa kaniya nagkaroon ng munting salo-salo ang aming pamilya kahit na sa hospital pa.
Hindi talaga ako makaget-over no'ng una. Akala ko, talagang may nangyaring hindi na maganda kay Itay. Mabuti na lang, set up lang pala ang lahat para i-surprise nila ako.
The best Family Day, ever! Unexpected din na sa amin pa nakisalo si TJ sa araw na iyon, nag-enjoy akong kasama siya. Pero bakit niya ginagawa ang lahat ng ito? May pagtingin ba siya sa akin? Na-mesmerized ba siya sa beauty ko?
Hay Heart, lagi ka na lang ganiyan. Umaasa ka na naman na magustuhan ng gwapong nilalang. Itsura pa lang, bagsak ka na. Paano pa kaya ang estado mo sa buhay? Mayaman siya't dukha ka. Wake up! Gumising ka sa katotohanan na hanggang sa pangarap mo na lang siya. You will never reach him.
Ang sakit lang kapag pinagninilay-nilayan mo ang katotohanan, katotohanang hindi mo siya maaangkin kailan pa man. Langit siya at lupa ako.
"Anak, may iniwan nga pala sa aking sulat si TJ kahapon bago siya umalis. Pasensya na, ngayon ko lang naalala," bungad ni Inay sabay abot sa akin ng isang papel at pumasok na nga siya sa kaniyang trabaho.
Pagkakuha ko ng sulat, binuksan ko ito kaagad at binasa.
Dear Heart,
Susunduin kita sa inyo mga 4pm. Namiss ko na kasi ang bonding nating dalawa.
-TJ
What? Aalis kami? At saan naman kami pupunta? At kami lang talagang dalawa? Oh my G! Hihimatayin na yata ako! Yayayain niya ba akong makipagdate? Heaven! Kinikilig ako!
But wait, anong susuotin ko? Kailangan, ako ang maging pinakamagandang babae sa paningin niya mamaya. Pero asa pa ako roon, sa panget kong ito? Paglalawayan niya ako? Hindi siguro.
Hindi ako magkandatapos sa sobrang pagkaaligaga. Hindi ko alam kung ano ba ang susuotin ko. Hay, basta gusto kong maging maganda sa paningin niya kahit ngayon lang.
Pagsapit ng alas-dos, kinalma ko na ang sarili ko. Simple plain light blue dress plus doll shoes na kulay puti ang suot ko ngayon. Simple but elegant. Sana magustuhan niya.
"Tok tok tok!"
Nandyan na yata siya sa labas! Kinakabahan ako sa magiging reaksyon ng itsura niya. Mabuti na lang at wala akong make-up kung hindi, kanina pa ako nanlilimahid dito dahil sa pawis dulot ng kaba.
"H-hello!" pautal kong sambit dulot ng kaba matapos bumungad sa aking harapan ng isang gwapong nilalang.
"Ready?" bungad niya habang suot ang kaniyang pamatay na ngiti.
Grabe! Hindi ko kinaya ang karisma niya! Halos maglaway na ako ngayon dito pero kinakaya ko pa ring huwag siyang tumakbo sa imahinasyon ko.
Oh Lord, napakabait ninyo naman po talaga sa akin. Noon, tinapay lang ang aking hinihiling pero ngayon, ulam ang iyong inihain. Thanks for this wonderful day. Sana, siya na nga.
BINABASA MO ANG
Pakisabi na Lang
Short StoryIsang probinsyanang nasabihan ng kaniyang kaibigan na abnormal dahil hindi pa raw ito umiibig. Ni crush nga raw ay wala. Matututo kayang umibig ang ating bida kung ang lahat na lang ng tao sa paaralan niya ay hindi siya tinatrato nang tama nang dahi...