Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari kahapon. Si TJ na isang mayamang nilalang at kinahuhumalingan ng lahat ay dinalaw at inalagaan ako. At hindi lang iyon, ang dami ko pang nalamang maraming bagay tungkol sa kaniya at gano'n na rin naman ako sa kaniya.
Pero bakit gano'n na lang siya makitungo sa akin? Parang napaka-concern naman niya sa akin? May gusto ba siyang iparating? E ano naman iyon? Sa pagkakatanda ko kasi ay hindi naman kami friends at hindi rin naman kami close? Pero bakit sa lahat ng mga estudyante sa aming paaralan ay ako lang yung kinakausap niya? Dapat ko bang bigyan ng kahulugan 'yung pagiging concern niya? Nalilito na talaga ako. Ayokong maging assuming...
Oo nga at ngayon lang ako umibig kaya ayokong masaktan. Gusto ko 'yung taong iibigin ko ay mahal din ako kaso umiibig ako ngayon sa taong hindi ko alam kung mahal niya rin ba ako o hindi.
Tigilan na nga natin 'yung drama na iyan. Baka maiyak pa ako nito e hindi ko pa maikwento sa inyo 'yung mga napag-usapan namin kahapon. Gusto ninyo pa bang malaman? Wait lang pag-iisipan ko sandali, o sige na nga heto na...
Pumunta si TJ doon sa aming kusina upang ipaghanda ako ng aking makakain. Hindi ko naman in-expect na dadalawin ako niyan pero I will tell you the truth... gustung-gusto ko talaga siyang pumunta dito tapos 'yung tipong aalagaan niya ako tapos pakakainin iyan ang naiimagine ko kanina.
Ang sarap ngang mag-daydream e kasi through imagination, napapaligaya mo 'yung sarili mo kahit malungkot ka at libre lang naman ang mangarap kaya tatayugan ko na.
Halos lahat ng kabataan ngayon ay ganyan na... Pero syempre dapat huwag naman 'yung mga masasama at bastos 'yung iniimagine mo. Parang ang sarap sa pakiramdam kapag crush ka ng crush mo. Pero much better kung mahal ka ng taong mahal mo. O 'di ba perfect match.
"Hey Heart, anong nangyayari sa 'yo? Bakit parang ang saya-saya mo naman? 'Di ba may sakit ka? Ano na nangyari sa 'yo?" sabi ni TJ tapos kinapa niya 'yung leeg at noo ko to check my temperature. Kilig much!
"Mababa na 'yung lagnat mo kaya dapat sa 'yo ay nagpapahinga para makapasok ka na bukas. Tigilan mo muna 'yung kaiisip mo sa mga bagay-bagay kasi baka mabinat ka lang," sabi niya sabay lagay ng aking hibla ng buhok na nakalaylay sa aking tainga.
What kind of feeling is this? Para akong kinukeryente sa ginagawa niya! Natutuliro tuloy ako!
"A e TJ, salamat nga pala sa pag-aalala mo... bakit na-miss mo ba kaagad ako?" tanong ko habang nakayuko.
Hala! Bakit ko nasabi 'yun? Hay! Epic much!
"Oo na-mimiss kita kaagad kasi wala akong ibang makausap saka best friend na kaya 'yung turing ko sa 'yo kaya mahalaga ka sa akin," sabi niya habang nakangiti.
Okay na sana 'yung mahalaga ako sa kaniya tapos na-miss niya rin ako kaso best friend pala 'yung turing niya sa akin. Okay lang 'yun, at least masasabi ko na ngang close na kami. Do I need to call him best friend too? Kaso nahihiya ako! Saka may best friend na ako si Joy. Pero pwede naman siguro na dalawa 'yung best friend ko 'di ba? Bestfriend na babae ko si Joy at siya naman ang best friend kong lalaki!
BINABASA MO ANG
Pakisabi na Lang
Short StoryIsang probinsyanang nasabihan ng kaniyang kaibigan na abnormal dahil hindi pa raw ito umiibig. Ni crush nga raw ay wala. Matututo kayang umibig ang ating bida kung ang lahat na lang ng tao sa paaralan niya ay hindi siya tinatrato nang tama nang dahi...