PNL 13 Moment of Truth

3.1K 179 10
                                    

Excited na ako sa pagkikita namin ni TJ! Super excited na talaga ako! Ilang oras na lang at magkakasama ulit kaming dalawa! 


Napakaambisyosa ko 'no?  Kahit na sa panget kong itsura ay mayroon pa ring lalaking nagtangkang kaibiganin ako. Oops, hindi lang basta lalaki, kasi isa siyang gwapong lalaki. Hindi ko talaga ine-expect na nagiging close kaming dalawa.


Grabe, para akong hihimatayin sa tuwing nakikita siya. Tama nga sila, makalaglag panty ang kagwapuhan ni TJ. Nasa kaniya na nga ang lahat e. Lalo na ang 'Ideal Man' ng isang babae. Swerte ng kaniyang magiging girlfriend. Sana ako na iyon, sa aking panaginip. Haha!


Hindi nga ako magkandaugaga sa sobrang pagka-aligaga ko. Hindi ko alam kung ano ang aking susuotin. Hindi naman party ang pupuntahan namin kaya okay na siguro kung t-shirt at tokong ang isuot ko 'no? Tapos sandals okay na iyon. Simplicity is beauty nga 'di ba? Kaya no more arte pa sa katawan.


Makalipas ang ilang oras ay dumating na ang pinakahinihintay kong sundo. Sino pa ba? Kundi ang lalaking nakasungkit sa pihikan kong puso, si TJ!


Ang gwapo niya! Sa simpleng white v-neck t-shirt na pinatungan ng leather jacket tapos maong pants at rubber shoes! Pwede na talaga akong maglaway dito sa kinatitirikan ko! Grabe, he's so hot talaga!


Aba, idagdag mo pa 'yung posture niya sa pagtanggal ng kaniyang helmet. Para tuloy akong nakabingwit ng malaking isda.


"Ano heart? Ready ka na ba?" tanong niya at binigyan niya ako ng napakatamis na ngiti at sapat na ito upang maramdaman ko na nasa langit na talaga ako.


"Oo TJ, ready na!" wika ko habang patuloy sa pagpapantasya sa kaniya.


"Good!" aniya at bumaba siya sa kaniyang motor at nilapitan niya ako rito sa pwesto ko.


Naku Inay, Itay, dream come true na po ang pangarap ko. Thank you, Lord!


"Bago tayo umalis, paalam muna tayo sa Inay at Itay mo," sambit niya habang hawak ang aking kanang kamay.


Hindi ko alam kung ano ang irereact ko kasi naman e! Hindi pa rin niya binibitawan 'yung kamay ko! Masyado na tuloy akong kinikilig sa kaniya.


"Nay, Tay, alis na po kami ni TJ!" sigaw ko at tumango na lamang ang mga ito.


Umangkas ako sa likod ng motor ni Tj. Nag-aalinlangan pa akong kumapit sa kaniya kasi nga, nahihiya ako.


"Huwag ka ng mahiya, yumakap ka na kung ayaw mong malaglag," turan niya at pinaadar na ang kaniyang motor.


Dahil sa pagkabigla, napayakap na ako nang tuluyan sa kaniya. Damang-dama ko ang init ng kaniyang katawan kaya parang gusto ko ng matulog habang nakayakap sa kaniya kaso, baka mahulog ako.


Ilang sandali pa, narating na namin 'yung lugar. Gaya ng dati, tahimik pa rin dito at ngayon, kaming dalawa lang.

Pakisabi na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon