Hindi ako makapaniwala na magkakaroon ako ng crush kay TJ pero parang ang awkward naman. Parang kapag nasa school na kami ay nakakahiya na siyang lapitan. Hindi ko pa naman naisasauli sa kaniya 'yung panyo niyang ipinahiram sa akin.
Pero kahit na anong mangyari ay dapat kong maisauli iyon sa kaniya dahil nakakahiya naman kapag hindi ko ibinalik. Pinahiram na nga lang ako e hindi ko pa isasauli, kahiya naman iyon.
Wala kaming pasok ngayon dahil Indepedence Day. Tutulungan ko na lang sila dito sa mga gawaing bahay.
May trabaho na ang aking nanay. Sa isang mayamang pamilya siya nagtatrabaho. Isa siyang all around kasambahay kaya naman masaya kami pero alam naming mahihirapan lang si Inay pero okay lang daw sa kaniya at gagawin niya raw ang lahat para sa amin.
At dahil wala kaming pasok ay heto ako at naglilinis ng bahay. Sipag ko 'no? Gano'n talaga, kailangang magsikap sa buhay para makaraos ka.
Habang naglilinis ako ay biglang nagring ang cellphone ko kaya naman tiningnan ko kung sino iyon at nakita kong si Inay kaya sinagot ko kaagad.
"Hello Inay, bakit ka napatawag?" tanong ko.
"Anak, nandyan ba ang Ate Star mo ngayon?" tanong ni Inay.
"Ay wala po e, nasa palengke po nagtitinda bakit po?"
"Kasi anak e absent 'yung kasamahan naming isa. Kulang kami rito ngayon at may darating na bisita, ang amo namin ngayon."
"Inay, kung gusto niyo ako na lang po tutal hindi naman po ako busy."
"Ay salamat anak! Sige punta ka na rito heto ang address."
"Okay po."
Pagkatapos noon ay nagbihis na ako kaagad at dumiretso sa lugar na sinabi ni Inay. Pagkarating ko ay namangha ako sa laki ng bahay. Walang pag-aalinlangang pinindot ko ang doorbell habang amazed pa rin sa nakikita ko. I hope someday titira rin ako sa ganito kalaking bahay.
Si Inay yung lumabas at binuksan niya kaagad 'yung gate.
"Mabuti naman anak at dumating ka. Hindi kasi kami magkanda-ugaga rito e. Tapos dalawa lang kami kaya nahihirapan kami."
"Okay lang po iyon Inay basta ikaw."
Tapos pumasok na kami sa loob kaya naging abala na si Inay. Pinagpalit niya ako ng damit, 'yung uniporme nilang isinusuot tapos tinuro niya kung ano ang mga gagawin ko.
Ang hirap nga talagang maging kasambahay. Lalo na kung ganito kalaking bahay ang lilinisin mo at pagsisilbihan mo.
Si Inay ang nakatoka sa pagluluto. Kung hindi niyo natatanong, si Inay ang pinakamasarap magluto sa barangay namin.
Kami naman ng kasamahan niya ang naglilinis ng buong bahay. Kaskas dito, kaskas doon.
Lumipas ang oras at natapos din naming linisin at paputiin ang bahay kaya natuwa sa amin ang may-ari ng bahay. Mukha siyang hindi tumatanda, ang ganda niya pa rin hanggang ngayon. Tapos mabait pa siya kaya almost perfect siya.
"Salamat Feliza dahil nakahanap ka ng kapalit ni Marissa, pansamantala. Siya ba 'yung anak mo?" turan ng amo ni Inay.
"Walang anuman po. Opo siya 'yung anak ko," tugon naman ni Inay.
"A sige, magpahinga na muna kayo dahil maya-maya pa ay darating na 'yung mga bisita ko."
Kaya dumiretso na kami sa kwarto nila Inay at nagpahinga.
Lunch time, dumating na ang mga bisita ng amo ni Inay kaya nag-start na kaming ayusin ang hapag-kainan.
Dalawa o tatlong pamilya 'yung dumating kaya abalang-abala kami sa pagsisilbi sa kanila. Ngayong na-experience ko na 'yung mga ginagawa ni Inay ay parang naaawa ako sa kaniya kasi sobrang hirap talagang maging kasambahay, hindi biro.
Kumakain na at nagkakasiyahan 'yung bisita ng amo ni Inay nang biglang may dumating na aking ikinabigla.
"Sorry po tita I'm late. May inasikaso lang po ako," aniya sabay beso sa amo ni Inay.
Ibig sabihin ay pamangkin siya ng amo ni Inay? Lagot! Nakakahiya namang makita niya akong nakaunipormeng pangkasambahay kaya much better kung hindi niya ako mapansin.
"Heart, kumuha ka nga ng extra plate para kay TJ," utos ng amo ni Inay.
Wala akong nagawa kung hindi kuhanin ang pinapakuha nito. Pagkarating ko roon ay napansin kong nakatingin siya sa akin kaya iniwas ko 'yung paningin ko.
★★★★★★★★
Word of God
I go to prepare a place for you.
-John 14:2
Faith in Christ is the only ticket to heaven.
BINABASA MO ANG
Pakisabi na Lang
Short StoryIsang probinsyanang nasabihan ng kaniyang kaibigan na abnormal dahil hindi pa raw ito umiibig. Ni crush nga raw ay wala. Matututo kayang umibig ang ating bida kung ang lahat na lang ng tao sa paaralan niya ay hindi siya tinatrato nang tama nang dahi...