PNL 15 Family Day

2.7K 155 1
                                    

Sabi nila, pagkatapos ng sarap ay paghihirap. Huwag naman sanang mapahamak si Itay!


Nakakaasar naman ang tadhana! Bakit ba gano'n ang nangyari? Hindi naman mahina ang katawan ni Itay. May iniinda ba siyang sakit na hindi niya sinasabi sa amin?


Dali-dali kong nilisan ang eskwelahan at tinungo ang hospital na pinagdalhan kay Itay.


"Naku Itay, hindi ka pwedeng mawala sa amin. Lumaban ka!" wika ko sa aking sarili habang nakasakay sa jeep. Bawat minuto ay hindi nawawaglit sa isipan kong magdasal.


"Father God, I know na hindi mo po kami pababayaan kaya tulungan mo po ang aking Itay at pagalingin niyo po siya kaagad." Dalangin ko habang patuloy na tumatakbo ang sasakyan.


Pagkarating ko sa hospital na pinagsuguran kay Itay, nagkukumahog ako at halos magkanda-dapa-dapa pa ako sa sobrang pagmamadali.


"Miss, saan po ba rito ang room ng Father ko? Joselito Valentin po," ani ko pagdating sa may counter.


"A, miss, sa room 207 siya." 


"Thank you miss!" turan ko at dali-daling nagtatakbo sa room na binanggit no'ng nurse.


Pagkarating ko, pinihit ko kaagad ang seradura ng pinto at natagpuan ko roon si Itay na masigla kasama ang buo kong pamilya at si Tj.


"Happy Family Day!"


Naiyak na lang akong bigla dahil sa kakaibang sorpresa nila sa akin. Hindi kaya nakakatuwang gimik 'yung ginawa nila kay Itay. Sa pagkakaalam ko ay ako dapat ang manonorpresa hindi ako 'yung masosorpresa.


"Sorry Heart dahil napag-alala ka namin," bungad ni TJ sabay lapit sa akin saka ako niyakap. Nadama ko na naman ang init ng kaniyang katawan.


"Loko ka kasi!" wika ko sabay palo sa braso niya.


"Oh? Ako pa ngayon?" Pagmamaang-maangan niya.


"Dapat kasi tayo ang gagawa ng plano para sa Family Day surprise kaso inunahan ninyo ako!" pagmamaktol ko.


"O anak, tama na ang kadramahan mo riyan. Halika na rito at kumain dali.


"Sige po Inay," wika ko.


Naging masaya ang Family Day namin ngayon. Salamat kay TJ my love.


★★★★★★★★


Word of God

Our God whom we serve is able to deliver us from the burning fiery furnace.

-Daniel 3:17


Trials are the soil in which faith grows.

Copyright © risingservant


Pakisabi na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon