Kinakabahan ako sa sasabihin ni Tj. Dumadagundong ang puso ko dahil na rin sa excitement. Ayokong mag-assume pero hahayaan ko munang maging assuming sa ngayon.
Hindi naman sigurong masamang umasa 'di ba? Oo, alam kong hindi ako maganda at wala akong maipagmamalaki pagdating sa itsura pero ang busilak kong puso ang aking sandata.
Ngayon pa na pakiramdam ko'y mayroon akong pag-asa na masungkit ang isang tulad niya, lalasapin at susulitin ko na ang pagkakataong magkasama kami habang umiikot sa nakasakay na malaking roleta.
"I just want to say thank you dahil sa maikling panahon na pamamalagi ko rito ay nakilala kita," panimula niya habang nakatingin nang diretso sa aking mga mata.
Dahil sa sinabi niya, para bang bumagal ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko pero parang may mali e.
"Salamat dahil nakatagpo ako ng isang kaibigan na kagaya mo. Napakalinis ng puso mo ni walang bahid ng pag-iimbot ang bumabalot dito."
"Anong ibig mong sabihin? Namamaalam ka ba?" naguguluhan kong tugon.
Napapangiwi at sa lungkot dahil ayokong sabihin niyang tama ang nasa isip ko.
"Heart, babalik na ako sa Amerika at doon na titira for good. Ayoko pa sanang umalis at nais ko munang makapagtapos dito kaso kailangan na talaga."
Para bang binayubay ang puso ko nang dahil sa lungkot. Kung kailan sa tingin ko'y matatagpuan ko na ang ka-poreber ko ay saka naman ito biglang lalayo.
Hinawakan niya ang kanang kamay ko nang mahigpit gamit ang kaliwang kamay niya na at pinagtutop ang mga ito. Pakiramdam ko sa mga oras na ito, para kaming mag-jowa na pinaglalayo ng landas.
"Kailan ka aalis?" singit ko.
Isang pagak at tipid na ngiti lamang ang natanggap kong tugon mula sa kaniya.
"Bukas na ng umaga..." malumanay niyang tugon.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa tugon niyang iyon. Bukas agad-agad? Wala na ba akong magagawa para pigilan siya?
"B-bakit a-ang b-bilis naman yata?" nauutal kong tugon.
"Kaya nga e. Pero alam mo, mamimiss kita. Alam kong hindi pa ito ang huli nating pagkikita," aniya sabay haplos sa aking buhok.
"Mamimiss din kita, aasahan ko ang muli nating pagkikita soon," pahayag ko.
"Siguro, pareho na tayong successful that time kapag nagkita tayong muli. Basta ba tanda mo pa ko..." ani ko.
"Ikaw pa? Hindi kita makakalimutan 'no. Isa ka sa pinakamahalagang kaibigan ko kaya huwag mo rin akong kakalimutan."
"Sus, syempre naman. Malakas ka sa akin e."
Sa mga oras na iyon, nagtawanan lang kami kahit na nalulungkot ako at para bang gusto ko nang maiyak.
"See you soon, Heart..."
Matapos niyang bitawan ang mga katagang iyon, isang mahigpit na yakap ang iginawad niya sa akin. At dahil doon, hindi ko na napigilan pa na rumagasa ang mga luhang kanina pa nagbabadya.
---
May mga tao talagang darating sa buhay natin para pasayahin tayo. Madalas, dadaan lang sila sa buhay natin 'yon lang at hindi magtatagal ay mawawala rin sila na parang bula.
Sadya nga namang makapangyarihan ng pag-ibig at kahit na sino ay maaaring mabiktima nito.
Kung sinabi ko ba kay Tj na mahal ko siya ay may pag-asa bang mag-stay siya sa buhay ko? Siguro oo, pero panandalian lang. Wala kasi akong lakas ng loob na sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon kaya talunan ako.
Kung iibig ka, at hindi ka man suklian ng pag-ibig ng taong mahal mo, mas mainam nang ipagtapat mo ang nararamdaman mo para manalo man o matalo, at least,napakawalan mo ang bugso ng damdamin mo at ang isinisigaw ng puso mo.
Madalas, dahil takot tayong masaktan, hindi na lang natin ipinapahayag ang ating nararamdaman. Kung iyan lagi ang nakatatak sa isip mo, pwes hindi ka pa handang umibig.
It's a matter of choice. Nasa iyo ang desisyon kung anong daan ba ang tatahakin mo.
Sa pag-ibig, sasaya ka at mararating ang rurok ng ligaya. Ngunit hindi maiiwasang hindi ka masaktan, kaya huwag mong hahayaang lumupaypay ka na lamang sa daan.
---Wakas---
BINABASA MO ANG
Pakisabi na Lang
Short StoryIsang probinsyanang nasabihan ng kaniyang kaibigan na abnormal dahil hindi pa raw ito umiibig. Ni crush nga raw ay wala. Matututo kayang umibig ang ating bida kung ang lahat na lang ng tao sa paaralan niya ay hindi siya tinatrato nang tama nang dahi...