Hinatid ako ni TJ sa bahay at malamang nito lagot ako. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanila saka hindi naman strikto ang mga magulang ko basta alam nila kung nasaan kami at basta nagpaalam kami. In my case, wala e ako ang nasasakdal ngayon. Dapat ihanda ko na ang aking sarili sa galit na ipaparanas at ipaparating sa akin ng aking magulang.
Nandito ako ngayon sa may labas ng aming tahanan at mukhang ayaw kumilos ni gumalaw papalapit ng aking mga paa marahil na rin sa dulot ng kabang nandito sa puso ko.
Pero wala akong magagawa, nangyari na e at nagawa ko na kaya ano pa nga ba ang dapat kong gawin? Kailangan kong tanggapin ang kaparusahang igagawad nila sa akin. Sana naman hindi ako pahirapan ni Inay at alam ko namang hindi niya ako sasaktan e.
Nagsimula na akong maglakad papalapit sa aming tahanan at nadatnan ko roon si Itay. Hay lagot ako nito. First time akong ginabi ng uwi! Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko marahil kinakabahan na ako.
Pagkarating ko sa tapat ng pinto...
"O bakit ka ginabi ngayon ng uwi? Hindi ka naman dati ganyan a? Saka 3:30pm lang ang labas mo," bungad sa akin ni Itay habang nakasandal doon sa may pinto at nakapaweywang pa.
Hindi ako nakapagsalita agad kasi 'yung tuhod ko ay nanginginig tapos 'yung dila ko ay parang umurong tapos naumid na ako.
"-----" ang tanging nagawa ko na lang ay nagkamot ng ulo ay biglang napayuko. Naging speechless ako pero wala naman akong ginawang masama kasama si TJ kaya hindi ako dapat matakot.
"O ano na Heart? Bakit hindi ka makapagsalita? Tinatanong lang naman kita a," mahinahong sabi ni Itay pero parang galit kasi siya e.
Wala akong nagawa kundi ang magsalita at aminin kung saan ako galing.
"Sorry po Itay kung pinag-alala ko kayo tapos hindi po ako nagpaalam sa inyo tapos ginabi pa ako ng uwi tapos galit pa kayo sa akin. Sorry po, hindi ko naman po sinasadyang hindi magpaalam sa inyo e medyo biglaan po ang pag-alis ko at hindi ko po namalayan ang oras patawad po,"paliwanag ko kay Itay habang nakayuko.
Narinig ko ang kaniyang mga yabag na papalapit sa akin tapos iniangat niya ang ulo ko at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Huwag ka ng umiyak. Hindi naman ako galit sa 'yo, e. Nag-aalala lang ako kasi gabi na tapos wala ka pa sa bahay. Hindi ka naman nagpaalam na may pupuntahan ka syempre bilang ama, hindi mo mawawala ang pag-aaala ko kasi anak kita at responsibilidad kita. Masyado lang akong nag-alala baka kasi napano ka na saka ngayon ka lang ginabi ng uwi," pahayag ni Itay habang nakahawak ang kan'yang mga kamay sa aking balikat.
"Sorry po Itay! Sorry sa lahat! Hindi ko na po uulitin," saad ko sabay yakap kay Itay.
Pagkahiwalay ko sa yakap kay Itay ay nagsalita ito.
"Hindi mo pa nga pala sinasabi kung saan ka galing," singit ni Itay habang nakataas ang dalawang kilay na tila nagtatanong.
BINABASA MO ANG
Pakisabi na Lang
Short StoryIsang probinsyanang nasabihan ng kaniyang kaibigan na abnormal dahil hindi pa raw ito umiibig. Ni crush nga raw ay wala. Matututo kayang umibig ang ating bida kung ang lahat na lang ng tao sa paaralan niya ay hindi siya tinatrato nang tama nang dahi...