Ayoko nang isipin 'yung mga tungkol sa love na iyan dahil masyado pang maaga para intindihin ko 'yung mga bagay na iyon. Ang dapat kong gawin ay mag-focus na lang muna sa aking study para magkaroon ako ng bright future.
Ngayong last term ko na sa high school ay dapat pag-igihan ko at dapat ay i-enjoy ko ang mga natitirang panahon. Ang high school daw ang pinakamemorable sa pagiging estudyante dahil pagtungtong mo raw sa college ay puro pag-aaral na lang ang iyong dapat atupagin dahil mahirap daw talaga.
Ang bilis nga ng panahon e. Parang kailan lang ay laro dito, laro doon lang ako noong elementary tapos ngayon ay malapit ko nang matapos ang high school. Tapos ngayon ay September na at sa nalalapit na panahon ay Christmas na naman.
Ano nga ba ang mayroon kapag September? Sa aking pagkakaalam ay Grandparents Day at Family Day. Mayroon na akong naiisip sa Grandparents Day! Yehey! Sana gumana 'yung plano ko.
Huwag na nga muna iyon ang intindihin natin. May pasok ngayon kaya dapat ay pumasok na ako.
Sa school...
Pagkarating ko sa school ay pinagtitinginan na naman ako ng mga ka-schoolmates ko. Sanay na naman ako sa kanila e. Apat na taon nang ganito lagi ang aking nakikita at napapansin tuwing papasok ako wala namang pinagbago kaya as usual, dedmahin na lang sila.
Habang naglalakad ako ay may sumisigaw ng panget, negra, manang basta puro panlalait na lang ang naririnig ko sa kanila. Wala talagang mga manners! Parang hindi pinag-aaralan sa school na LEARN HOW TO RESPECT! hay, last year naman na e. Yaan na nga sila.
Sa gitna ng aking pagmumuni ay bigla na lang silang tumahimik at nagulat ako nang makita ko si TJ sa tabi ko na kasabay na naglalakad at kakaiba 'yung tingin niya para bang sinasabing tigilan ninyo na nga si Heart. Haha lakas lang mangarap e, tapos ay ibinaling naman niya ang tingin sa akin at biglang ngumiti 'yung parang killer smile. Hihimatayin ka sa kilig kapag nakita mo 'yung matatamis niyang ngiti mula sa kaniyang labi.
"Ano, okay ka na ba?" tanong niya habang nakatayo kami sa may tabi ng railings.
"A-a o-oo okay lang ako huwag mo na akong intindihin... tara panhik na tayo," yaya ko nang pautal-pautal at nagsimula na uling umakyat ng hagdan.
Nauuna ako sa kaniyang maglakad tapos nasa likuran ko siya. Kamukat-mukat ay kasabay ko na siya at bigla pa niya akong inakbayan at hindi ko alam kung ano gagawin ko. Tatanggalin ko ba 'yung kamay niya sa balikat ko o hahayaan na lang? Ang dami pa namang tao rito na pinagtitinginan kami. Nahihiya ako!
Sino bang hindi mahihiya kung ang kasama mo ay Prince Charming tapos ikaw ay parang alila/alipin niya lang. Patay na naman ako nito sa mga fan niya! Iisipin na naman nila na ginayuma ko si TJ!
Hanggang sa makarating kami sa classroom ay nakaakbay pa rin siya. Yup, tama kayo hindi ko na tinanggal 'yung kamay niya sa balikat ko kasi natataranta ako at parang kinakabahan. Napakabilis ng tibok ng aking puso kaya minabuti ko na lang na hayaan iyon. Kaya I need to face the consequences! Ano ba itong pinaggagagawa ko? Dapat ay umiiwas ako sa gulo.
Sa classroom ay siya pa rin ang katabi ko kaya hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin kaya tumahimik na lang ako.
BINABASA MO ANG
Pakisabi na Lang
Short StoryIsang probinsyanang nasabihan ng kaniyang kaibigan na abnormal dahil hindi pa raw ito umiibig. Ni crush nga raw ay wala. Matututo kayang umibig ang ating bida kung ang lahat na lang ng tao sa paaralan niya ay hindi siya tinatrato nang tama nang dahi...