Nagulat ako nang makita ko siya. Para akong punong natigang sa aking kinatatayuan kanina. Ewan ko ba kung bakit kinakabahan na naman ako. Para bang may humahabol sa heartbeat ko. Alam niyo 'yun?
Isa pa kapag nakikita ko siya o kaya naman ay kapag lumalapit siya sa akin ay bigla na lang umuurong 'yung dila ko. Para akong pipi na hindi makapagsalita. At higit sa lahat ay AWKWARD!
Kumakain sila ngayon at napag-alaman kong magkakamag-anak pala sila.
Tapos kami namang mga serbidora ay nandito lang sa may gilid at naghihintay kung mayroon ba silang iuutos o kailangan man lang.
Minsan napapansin kong tumitingin sa akin si TJ marahil nagtataka siya kung ako nga ba ito o kaya naman ay kinikilala ako. Kaya kapag nagkakasalubong kami ng paningin ay kaagad kong iniiwas 'yung akin kasi para akong matutunaw sa tingin niya.
After nilang kumain ay ipinagpaalam pa ako ni TJ sa tita niya para kausapin.
"Tita, pwede ko po bang hiramin muna si Heart? May pag-uusapan lang po kami," sabi ni TJ.
"O sige Hijo pero huwag kayong lalayo. Dito lang kayo sa loob ng bahay, hindi kayo pwedeng lumabas," sabi ng tita niya.
"Opo, sige po salamat!"
After no'n ay dinala niya ako sa may likod ng bahay. Bumulaga sa amin ang isang napakalinis at napakalinaw na pool.
"A-a e-e b-bakit mo nga p-pala ako d-dinala r-rito?" pautal-utal kong tanong. Ewan ko ba kung bakit parang naging habit ko ang pagiging bulol kapag kaharap ko siya.
"Wala lang. Gusto ko lang na makapag-usap tayong dalawa nang walang ibang pwedeng umabala," aniya pagkahubad ng kaniyang sapatos at isinawsaw ang kaniyang paa sa may pool habang nakaupo ito.
Ako naman ay heto't nakatunganga pa rin sa tabi niya habang nakatayo kasi nagulat ako sa sinabi niya na he wants to talk to me raw. Me and him only! Hindi talaga ako makapaniwala na ang isang prince charming ay magpapakababa upang kausapin ang kaniyang alipin. Akala ko sa fairytale lang ito nangyayari. Para na akong nasa langit ngayon.
"Hey Heart, may tinatanong ako sa 'yo pero bakit parang lumilipad iyang utak mo?" tanong niya.
"Ay pasensya na po kayo at mukhang nababaliw na naman po ako hehe... ano nga po pala 'yung tinatanong ninyo?" tanong ko habang nakatayo pa rin.
"Halika nga rito at maupo ka," utos niya tapos hinila niya ako paupo at tinanggal ko naman 'yung sandals ko para maisawsaw ko rin 'yung paa ko sa pool.
"Ang lamig ng tubig!" sigaw ko nang maramdaman ko ito.
"Ay oo nga po pala Sir, ano 'yung tinatanong niyo kanina?" tanong ko.
"Tinatanong ko kung matagal ka na bang naninilbihan sa tita ko," sambit niya habang nilalaro ang tubig.
BINABASA MO ANG
Pakisabi na Lang
Short StoryIsang probinsyanang nasabihan ng kaniyang kaibigan na abnormal dahil hindi pa raw ito umiibig. Ni crush nga raw ay wala. Matututo kayang umibig ang ating bida kung ang lahat na lang ng tao sa paaralan niya ay hindi siya tinatrato nang tama nang dahi...