PNL 1 Introduction

14.2K 436 106
                                    

Na-inlove ka na ba? 'Yung totoo? Weh? 'Di nga? Kasi ako ay hindi pa, e. Oo totoo, promise! Ayaw maniwala... Parang napaka-inosente kong tao 'no? Kung hindi niyo naitatanong, 17 years old na ako at 4th year high school student. Hindi lang halata dahil hindi ako masyadong biniyayaan sa height kaya napapagkamalan ako laging 1st year.

Nagulat nga ako nang tanungin ng kaibigan ko kung na-inlove na raw ba ako. Ang sabi ko, hindi pa. Tapos sinabihan ba naman akong abnormal dahil hindi pa ako umiibig. Hello?! Wala pa sa utak kong magmahal dahil inuuna ko muna 'yung aking pag-aaral para makatulong kaagad ako sa aking pamilya. Saka isa pa, sino ba namang magtatangkang ibigin ako e sa itsura kong ito? May magkakagusto sa akin? Panget daw kasi ako e, totoo naman kahit masakit man marinig pero totoo kaya wala akong magagawa.

Ako'y nag-aaral sa isang pampublikong paaralan dahil mahirap lang kami at wala kaming sapat na pera para mag-aral sa pribadong paaralan. Mabuti nga ay nakakapag-aral pa ako salamat sa tulong ng pagiging iskolar. Malaking tulong iyon para makamit ko ang aking pangarap.

Isa nga pala akong probinsyana kaya pinagtatawanan ako sa school tuwing pumapasok ako dahil ang palda ko'y halos sumayad na sa lupa. Napakabaduy ko raw tapos negra pa at walang ipanglalaban na mukha. Ganiyan manlait ang mga kaklase ko at mga ka-schoolmate ko. Kita mo na? Nasa public school lang kami pero kung makaasta 'yung mga estudyante rito akala mo kung sino.

Masakit para sa akin na lait-laitin nila ako. Oo panget ako pero sana naman ay huwag na nilang ipamukha pa sa akin. Sabi nga nila, masakit talagang marinig ang katotohanan. Pero hindi naman batayan ang itsura para makasurvive ka sa lipunan. Dapat huwag mo na lang silang intindihin dahil mas lalo ka lang masasaktan kaya dapat huwag mo na lang silang pakinggan iyon ang natutunan ko.

Ako si Heart Valentin, panget man sa panlabas na anyo, maganda naman ako pagdating sa panloob. Mahirap lang kami pero nakakaraos naman sa buhay. Malapit na akong makatapos ng high school kaso ang problema namin ay wala kaming pangmatrikula para makapag-aral ako sa kolehiyo. Kaya iyon, doble kayod sina Inay at Itay para makaipon sila at mapag-aral nila ako sa susunod na taon. Kaya nga heto ako at nag-aaral nang mabuti.

Mayroon akong dalawang kapatid kaso huminto na sila sa pag-aaral at tumutulong sila sa paghahanap-buhay.

Si Ate Star ay nagtitinda sa palengke ng mga ani naming gulay sa aming bakuran. Kung bakit star ang pangalan ni ate? Kasi noong pinanganak daw siya ay may dumaan na shooting star kaya star ang pinangalan sa kaniya.

Si Kuya Diamond ay tumutulong kay Itay sa bukid. Kung bakit diamond? Noong pinanganak daw kasi si Kuya ay mayroong blessing na dumating sa kanila and diamond is a sign of wealth kaya iyon ang ipinangalan kay kuya.

At ako kung bakit Heart? Kasi ipinanganak ako ng February 14, ang araw ng mga puso kaya Heart ang name ko.

Mabalik tayo sa topic natin about love. Oo nga, hindi pa ako na-iinlove dahil hindi ko pa nakikita si special someone na magpapatibok sa aking puso. Ang gara lang 'no? Ang birthday ko ay araw ng mga puso kaso ako ay wala man lang matipuhan at alam kong walang magkakagusto sa akin dahil sa itsura ko. Saka wala pa akong alam lalo na pagdating diyan sa pag-ibig.

'Di ba nga panget ako? Malaki ang mga mata, malapad at dapa ang ilong, makapal ang kilay, sungki-sungki ang ngipin, puro pimples ang pisnge, maitim, baduy manamit, nakasalamin nang malaki, at ang tanging maipagmamalaki ko lang ay ang...

Mayroon akong mabuting kalooban kaso sa panahon ngayon, halos itsura na ang batayan ng love. Bihira na lang 'yung tumitingin sa panloob na anyo.

Huwag kayong maawa sa akin, ayoko kasi na kinaaawaan ako ng tao. Maski crush ay wala ako dahil wala akong makitang traits nila na maaari kong hangaan. Karamihan sa mga lalaki ngayon ay mga mayayabang na akala mo ay may maipagmamalaki kaso wala naman. Pero I hope na someday ay mahahanap ko rin siya kaso malamang matagal pa iyon. Kapag pumuti na siguro ang uwak.

Wala na ba akong space riyan sa puso niyo para mahalin niyo? Hindi ba ako karapat-dapat mahalin? Mabait naman ako, matulungin kaso wala e halos kamuhian niyo akong lahat dahil sa itsura ko.

Mabuti na lang at mayroon akong masasandalan sa tuwing ako'y nangangailangan at down na down. Ang aking kaibigan na si Joy. Mabait si Joy at naiiba siya sa lahat dahil mayroon siyang busilak na puso. Siya lang ang aking kaibigan sa school na ito. May kaya iyan sa buhay pero may pagkasosyal/kikay/fashionista. Kaya kapag magkasama kami niyan ay napagkakamalan tuloy akong katulong.

Ang sasama talaga nila. Lagi na lang nila akong nilalait pero syempre hindi ako dapat maghiganti at masama iyon.

Si Joy kasi ay marami ng naging boyfriend at dahil maganda siya ay maraming nagkakandarapa sa kanya. Hindi tulad ko, ni-isa ay walang nagtangkang lumapit sa akin dahil panget nga ako.

Pero ako, nangangarap ako at alam ko na someday ay magkakaroon din ako ng crush at magmamahal din ako sa tamang tao na deserve para sa pagmamahal ko. Hindi naman ako nagmamadali, maghihintay lang ako hanggang sa dumating siya.

★★★★★★★★

Word of God

The fear of man brings a snare, but whoever trusts in the Lord shall be safe. 

-Proverbs 29:25

Fear God, and you'll have nothing else to fear.

Pakisabi na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon