Chapter 2

144 5 0
                                    

Hinatid kami ng van sa apartment ni Jela. Hindi ko alam anong una kong sasabihin sa kanila lalo kay papa na may kasama akong limang naggagwapuhang lalaki. 

"Papa."-bungad ko noong buksan niya ang pinto. 

"Aba eh sino itong mga binatang ito."-sabi ko na yun ang ibubungad ng papa ko.

"Ay papa SB19 po. Sila po ang amo ko. Natanggap po ako sa trabaho. Boy group po sila, naku sobrang sikat po sila. P.A po nila ako as in ngayon na. Nandito nga po kami para maglipat, lilipat ako sa isang apartment malapit sa kanila. So baka magpadala dala na lang ako papa."-wika ko na tuloy tuloy.

"Hello po, Tito."-wika ng lima, jusko pati ba naman sa pagbati may synchronization.

Umupo lang ang lima sa sofa at tinititigan ni Jela. 

"Mars, Papa kayo na muna bahala ha? Mag iimpake lang ako." 

Umakyat na ako sa kwarto ko, sa totoo lang hindi pa rin naaabsorb ng utak ko na sa kanila na ako magwowork. Sobrang swerte ko na ata jusme naman. 

Wala akong malaking bag para paglagyan ng mga damit ko kaya pumili ako ng talagang maayos, siguro yung iba ay babalikan ko na lang. Yung mga merch ko na nasa tote bag ay hindi ko rin kinalumtan syempre. 

Noong makababa ako ay may kinekwento si Stell kasi siya lang ang nakatayo at umaaksyon dun, nasa hagdan pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang tawa nila. Si Stell talaga ang sunshine boy nila. 

"Oh andiyan na pala ang napakaganda naming prinsesa."-lumuluhod luhod keme pa ito si Stell jusko, tumayo ka jan, kinikilig ako. 

"Anak mag-iingat ka ha? Naku mga hijo, aalagaan niyo ang unica hija ko ha?"

"Yes sir."-wika ni Pablo, the best leader talaga.

"Aba'y kayo po ay makakaasa mahal na hari, ako na po ang bahala sa inyong napakagandang prinsesa."-wika ni Stell, nakakaloka. Stell kaunti na lang sabihin ko sa papa ko boyfriend kita. 

Kinuha na ni Josh ang mga bag ko at isinalansan yun sa van. 

"Mars, ikaw na muna bahala sa papa ko ha? Basta lagi akong tatawag. Mag iingat kayo."-paalam at paghahabilin ko kay Jela

"Ikaw naman papa, behave ha? Huwag ka na umalis ng bahay kung hindi mahalaga."

"Yes po, anak. Basta ikaw mag ingat ka ha? Mahal na mahal ka ni papa."-sabay halik ni Papa sa noo ko. 

"Sige na po papa, kunin ko na po anak niyo."-sabay hawak ni Stell sa kamay ko.

Sumakay na kami sa van, katabi ko sa likod ay si Stell at si Ken, sa harap naman namin ay si Pablo, Jah at Josh. 

Soundtrip lang kami habang nasa van. Unti unti na nila akong chinichika, siguro ay sinasanay na nila ako dahil syempre ako na ang bagong P.A nila.

Noong makarating sa apartment ay ikinagulat ko na simple lang iyon halos hawig lang nung apartment namin ni Jela. Magkatabing magkatabi ang dalawang unit kaya sigurado naman ako sa safety ko. 

Ipinasok nila Josh ang gamit ko sa apartment, medyo may kalakihan ito kung para sa akin pero syempre di na din ako aarte pa. 

"Ayos ka na jan, maya maya kain tayo sa apartment namin. Papadeliver kami."-sabi ni Pablo.

"Papadeliver?"-tanong ko sa mga ito. 

"Oo, lagi kaming nagpapadeliver since super busy no time to cook na."-sagot ni Pablo 

"So? Puro kayo fast food?"

"Opo."-wika ni Jah hahaha sobrang cute.

"Sige, magluluto ako. May laman naman siguro ref niyo ano?"

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now