Chapter 14 (LAST CHAPTER)

119 7 4
                                    

Third Person's POV

"Steeeeeell!!!!! Manganganak na ako."-sigaw ni Ashanti mula sa kwarto nila habang nagluluto ang asawa sa kusina.

Agad namang nataranta iyon dahil sa narinig muntik pa nitong hawakan ang kawali sa sobrang taranta.

Pinatay niya ang apoy at agad na pinuntahan ang asawa sa kwarto.

Kinuha nito ang nakahandang gamit sa kwarto. Talagang hinanda na nila iyon para sa araw na ito. at kinayag na ang asawa.

Agad na isinakay ni Stell ang asawa sa backseat. Gusto sana niya sa shotgun seat pero sabi ni Ashanti ay mahihirapan siya ron.

Mabuti na lang din at nakakuha na ng sasakyan itong si Stell sa ilang buwan na savings nilang dalawa.

"Stell, ang sakit, sobrang sakit!! Bilisan mo."-pagrereklamo ni Ash sa likod sapagkat sobrang sakit na ng tiyan nito.

Malapit lang din ang maternity clinic na regular na pinagpapatingnan ni Ash kaya natunton na nila iyon.

"Boss patulong manganganak na po asawa ko."-sigaw agad ni Stell nung makababa siya at kukuhain ang asawa sa likod.

Agad namang lumabas ang isang nurse na may dalang wheelchair at dun namin isinakay si Ashanti.

Papunta na sa delivery room biglang pumutok ang panubigan ng babae.

Halong kaba at excitement ang nararamdaman ni Stell. Makikita na niya ang unica hija niya.

Pagkapasok sa delivery room ay agad naman niyamg tinawagan ang pamilya pati si Jela at papa ni Ash kasama rin ang kagrupo.

Wala pang ilang minuto ay dumating na isa isa ito.

"Kamusta?"-tanong ni Pau na akala mo siya ang tatay ng bata.

"Halos kapapasok niya lang. 10 minutes pa lang ata."

Kinakabahan talaga si Stell samantalang ang asawa naman ay naturukan na ng pampamanhid.

Kinakabahan din ito dahil bukod sa unang beses nito ang manganak, sinabihan ito na mahihirapan siya sapagkat malaki ang tiyan dahil malaki din ang baby nito.

Ilang minuto pa at tumalab na ang pangpamanhid at sinimulan na ang pagpapaanak.

"Mommy push!!"-wika ng doktora.

"Ahhhhhhhhh"-itinodo ni Ashanti ang pag iri.

"Mommy hindi po ganiyan ang tamang pag-iri. Ganito po."-sabay muwestra ng isang nurse sa kaniya.

Halos lumabas na ang litid at ugat nito sa sobrang iri pero hindi pa rin maipush ang bata.

Ilang minuto pa ay napagdesisyunang papasukin si Stell para palakasin ang loob ng asawa.

"Mahal, kaya mo iyan ha?"-pumwesto sa ulunan si Stell at hinawakan ang kamay ng asawa.

"Mommy push po!"

Hirap na hirap na si Ashanti at tila ba hindi pa rin makuha ang tamang paraan. Nagulat na lamang sila noong may lumabas na dugo sa ilong niya at para bang may namumuong ugat at dugo sa mata nito.

"Mommy kalma ka po muna ha, sa maling pag-iri po pwede pong mamuo ang dugo sa mata ninyo and worst is dumugo talaga. Sundan niyo lang po ako."-minuwestra ulit ng nurse sa kaniya.

Takot na ang nararamdaman ngayon ni Ashanti.

"Mahal kalma po ha, dito lang po ako. Kaya mo iyan mailalabas mo po ng safe si Estrella."

Nabuhayan naman ang babae sa sinabi ng asawa.

"Ready na po, mommy?"-tanong pa ni Doktora

"Yes po"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Not An Ordinary A'TinWhere stories live. Discover now