Third Person's POV
Nalulumbay ang isang buwan ng nagdadalang tao na si Ashanti dahil nasa airport na sila ngayon para ihatid ang Mister na si Stell pati ang mga kagrupo nito tungong Korea.
Ilang buwan din ang gugugulin ng grupo duon para magtraining at siyempre para magprepara sa kanilang comeback na matagal ng inaasam ng A'TIN.
"Mahal, lagi kang mag uupdate sa akin ha? Madami akong pagtatanungan."-pagbabanta ni Ashanti dito.
"Mahal, basta walang ginagawa ikaw agad ang aatupagin ko. Huwag ka na bumusangot diyan."-siyang pagpapacute naman ni Stell.
"Baby say babye to Papa. Babye Papa!"-wika pa ni Ashanti sa tiyan na animo'y kinakausap anak at binosesan pa ito sabay ti ngin sa direksiyon ng asawa.
"Baby, huwag papahirapan ang mama hanggat wala si papa ha? Mahal ko kayong dalawa."-luhod ito upang pumantay ang mukha niya sa tiyan ng misis, sabay halik dito.
Umahon ito sa pagkakaluhod at humalik sa labi ni Ashanti.
"Hep hep, tama na. Naiinggit na ako."-wika naman ni Josh na excited na ring umupo sa eroplano at matulog buong byahe.
"Hayaan mo na eh matagal hindi magkakasama."-depensa naman ni Pablo.
"Hoy kayo, bantayan niyo tong kaibigan niyo ha?"-paalala ni Ashanti sa mga kagrupo ng asawa.
"Yes maam."-sabi ni Ken sabay saludo pa.
"Oh siya sige na umalis ka na at baka hindi pa kita pasamahin."-yumakap ng mahigpit si Ashanti kay Stell at pagbitaw siya namang hakbang ni Stell papalayo.
Huwag ka na lumingon.
Huwag ka na lumingon.
Huwag ka na lumingon.
Sa isip isip ni Ashanti dahil malamang ay hindi niya mapipigilang tumakbo at yumakap pa sa asawa.
Pero pasaway ang utak ng mister niya at lumingon pa ito sabay bitaw sa maleta at takbo palapit sa kaniya.
Niyakap siya nito ng mahigpit sabay halik sa labi at halik sa pisngi ng paulit ulit. Para bang ihinahalik ni Stell ang mga araw na hindi sila magkakasama.
"Kakatalikod ko pa lang namimiss na kita."
"Stell naman ih. Sige na. Uuwi ka pa naman hindi ka naman dun titira."
"Di mo sure, mahal."-may halong pang iinis ang tono niya.
"Bakit??? HINDI NA BA KAYO UUWI???"-parang napraning ang tono ni Ashanti sa biro at asar ni Stell.
"Uuwi siyempre. Nandito buhay ko. Nandito kayo ng anak ko. Ikaw ang bahay ko kaya dito ako uuwi. Sa'yo."
Yumakap lang ulit sila sa isa't isa at ngayon napag usapan nilang wala ng lilingon. Pagkabitaw lalakad na si Stell paloob at lalakad naman si Ashanti kasama ang papa niya at si Jela paloob ng sasakyan.
At talaga namang sinunod ni Ashanti iyon at kahit mamimiss ang asawa, hindi na rin niya muling sinipat ang asawa at siya namang andar ng kotse.
Lingid sa kaalaman niyang nakabantay si Stell sa kaniya mula paghakbang niya hanggang sa nawala na sa paningin nito ang kotse.
"Tara na, pal!"-kayag ni Ken sa kagrupo.
Hindi bumabakas ang lungkot kay Stell, tama nga sila siya kasi ang Sunshine Boy. Nakukuha pa rin niyang magpatawa.
"Mama~"-panimula niya sa kanta nilang mapa habang naghihintay na matawag ang flight number nila.
"Unsaaa maniii"-dugtong nito sa kanta na siyang nagpatawa sa lahat ng kasama nila.
YOU ARE READING
Not An Ordinary A'Tin
FanfictionAshanti is a solid fangirl of this ppop boy group. One night, she won a contest and the prize is to have a date night with the boy group. How will their story start?