I was shocked to see Ken in here. Anong ginagawa niya dito?
"Subukan mo pang ilapat mga kamay mo kay Ashanti, hindi ako magdadalawang isip basagin yang mukha mo."-kahit ako ay natakot sa sinabi ni Ken kay Gav.
"Sinong tinakot mo? Hindi mo ba ako kilala?"-yabang nanaman ni Gav
"Hindi."-matapang na sagot ni Ken.
"Eh gago pala to eh."-akmang sasapakin ni Gav si Ken pero naunahan siya ni Ken at hinatak ako palabas ng restaurant.
Mabilis kaming tumakbo at sumakay sa taxi, malamang papunta kami ng condo niya.
"Teka Ken, what are you doing there? Paano mo nalaman na nandun kami?"-gulong gulo ako sa nangyari.
"Diba sinabi ko naman sa iyo na poprotektahan kita? Sinabi ko sa iyo na nakatingin ako sa iyo kahit malayo."
"Paano nga?"
"Matagal ko na kayong sinusundan nung gagong yun."
"Thank you, Ken for saving me tonight."
"Wala yun, Ash. Tinutupad ko lang yung pangako ko."
As we have reached his condo, nagulat ako noong dumial siya sa cellphone niya.
"Hello, par. Punta kayo dito sa condo."
Yun lang sinabi niya sa cellphone.
Mahigit kalahating oras ay may nagdoorbell sa condo unit ni Ken.
"Mine. Mine."-nagulat ako sa pagpasok ni Stell sa condo unit ni Ken.
I saw Ken smiling at lumabas muna ng kwarto.
"Mine, sobrang miss na kita. Kamusta ka? Okay ka lang ba?"-sabi nito sa akin at mukhang inoobserbahan ang mukha ko.
"Okay lang ako. Sobrang namimiss ko na kayo. Im lucky na sinave ako ni Ken kanina from Gav."
Hindi ko inexpect na gagawin ni Ken na tawagan si Stell para puntahan ako dito sa condo niya. Maya maya lang ay dumating na din ang ibang miyembro. They hugged me as tight as they wanted.
Sobrang miss ko tong mga ito.
"Pwede pa ba akong bumalik bilang p.a niyo?"-wika ko sa kanila, coz if i were given a chance, itong trabaho na ito ang uulit ulitin kong piliin.
"Uhm kasi mommy...."-hindi maituloy tuloy ni Jah ang sasabihin niya
"Ano kasi beh....."-dumagdag pa itong si Josh
Siguro may bago na silang p.a? Im sure they can look for a new one agad agad.
"Ah, may bago na ba kayong P.A? It's okay, isang linggo din akong nawala so probably humanap na sila Tatang nun. Ohh, basta kayo palagi kayong mag-iingat. Bibisitahin ko na lang si Stell dun, syempre pati kayo, kung pwede."
"Alam mo naman no visitors sa apartment, eh yung bagong PA pa medyo may edad na na babae, kaya medyo mahigpit siya."-sabi naman ni Ken na halatang malungkot.
"Ah ganun ba? Edi kapag rest day niyo pwede tayong magkita kita."-sabi ko pa sa kanila just to cheer them up, kahit ako medyo malungkot din.
"Alam mo namimiss ka namin, iba kasi yung pag-aalaga mo. Nasasabayan mo mga kalokohan namin, kumbaga parang tropa tropa lang."-sabi pa ng boyfriend kong nakasandal sa balikat ko ngayon.
Sa loob ng isang linggo kong pagkawala sa kanila, ganun ganun lang kabilis, nakapagpalita na agad sila. Sa totoo lang masakit pero wala tayong choice ganun naman talaga.
Tinititigan ko lang silang lima. Gusto ko silang yakapin isa isa.
"Malungkot ka?"-tanong ni Pablo na tinanguan ko lang.
YOU ARE READING
Not An Ordinary A'Tin
FanfictionAshanti is a solid fangirl of this ppop boy group. One night, she won a contest and the prize is to have a date night with the boy group. How will their story start?