"I think mas okay yung civil na lang nga. Kasi diba baka mamaya malaman ng A'TIN kung mag church wedding talaga."-suhestiyon ni Kuya Yani.
"Tama si Diko, mas okay yun. Atleast kapag civil, intimate lang, tayo tayo lang."
"May budget ba? Kasi kung meron pwede natin gawin sa ibang bansa para hindi gaanont suspicious."-tanong naman ni Ate Rose
"Mas okay kung magdadala na lang ng judge sa showbt, dun na lang, tas private reception na lang kung saan man."-suggestion naman ni Pablo
Nagkakagulo sila ngayon sa apartment dahil nagstart na kaming magplano ni Stell.
White, Black and Red ang motif ng kasal namin. Tho sa reception lang naman magbibihis kaya kahit semi formal lang ang suotin nila. Buo na rin ang desisyon namin ni Stell na mag civil wedding na lang.
"Edi ayun, tama sa showbt na lang."-sabi naman ni Josh.
Eh saan naman kaya kami magpapareception? Alam ko na.
"Sa barbara's na lang sa intramuros? What do you think?"-tanong ko kay Stell
"Okay mine, dun na lang."-madaling sagot nito.
In a month kasi ay ikakasal na kami. Nakakunsulta na rin kami ng gagawa ng isusuot namin ni Stell. Hati naman kami sa gastos ng kasal kaya we are trying to make it simple.
"Syempre dapat may pa bridal shower tsaka yung sa lalaki din."-sabi naman ni Ken
"Oh G oh, ako punong abala sa party mo."-sabay tapik ni Kuya Yani kay Stell.
"Oh sige ako sa party mo, Ash."-sabi naman ni Ate Rose
Stell and I are lucky to have ate and kuya like them.
-------------------
Nasettle na namin ang lahat. The wedding will be in 2 weeks. Kinakabahan ako kahit handang handa na kami.
Pamilya ni Stell, papa ko, si Jela, ang mga taga showbt, pamilya ni jah, josh, ken at pablo lang ang inimbita namin.
Ngayon naman ay naghahakot ako ng gamit ko dahil napagkasunduan namin ni Stell na ito na muna ang huling pagkikita namin. Ang susunod ay sa mismong araw na ng kasal namin.
Sa ilang taon namin, nasanay na kami pareho na laging magkasama, ngayon na lang kami magkakahiwalay ulit.
"Mine? Mamimiss kita sobra, pero okay lang kasi sa susunod na pagkikita natin, misis na kita."-sabi nito sa akin na nagdulot ng kakaibang kilig sa akin.
"Pagbalik ko sa bahay gagawa na kaagad ako ng wedding vow."-sabi ko dito at niyakap pa siya.
"Iingatan mo sarili mo mine ha? Mahal na mahal kita."-he said and kissed me bago ako sumakay sa grab.
-------------
"Pa, baka pwede naman nating suliting tatlo ni Jela ang single life ko. I mean, sa susunod na dalawang linggo may asawa na ako, siya na ang magiging buhay ko."
"Kahit di pa kayo kasal tih, siya naman na ang buhay mo. Wag mo akong lokohin."
"Anak, malungkot ako kasi hindi na baby girl ang anak ko, pero masaya ako na may lalaking malakas ang loob na mahalin at kuhanin ka sa akin."
-----------------
"Mars ang ganda ganda mo. Grabe hubog na hubog ang katawan mo dito sa dress mo."-sabi naman ni Jela habang tinitingnan ako sa suot kong wedding dress.
"Alam mo yan, mars."-yabang ko pa dito.
Nung dumating ang sundo mula sa showbt ay agad kaming pumasok dun. Ilang araw bago ang araw na ito, hindi na rin kami gaanong nag-usap ni Stell. Inireserve talaga namin itong araw na ito.
YOU ARE READING
Not An Ordinary A'Tin
FanfictionAshanti is a solid fangirl of this ppop boy group. One night, she won a contest and the prize is to have a date night with the boy group. How will their story start?