Haay, Wednesday na means Stell and I needs to go home na. Mamimiss ko ang pamilya Ajero. Sobrang sarap pala na mamuhay ng may kumpletong pamilya.
"Oh nak oh. Bitbitin niyo sa byahe ha? Kumain kayo."-sabay abot ni lola ng plastik na may lamang nilagang itlog, saging na saba at sandwich.
"Opo, lola. Salamat po."-sabi ko dito.
"Anak ha? Bibisita ulit kapag pwede ha?"-paalala ng mama ni Stell.
"Ma, sobrang salamat po sa mainit na pagtanggp sa akin dito. Sobrang nag-enjoy po ako."-nagmano ako dito sabay yumakap.
Nagulat ako noong yumakap din sa aking ang dalawang kapatid ni Stell.
"Babye ate."-sabi nilang dalawa.
"Kayo ha? alagaan sina mama tsaka sina lola hanggat wala si kuya."
-------------
"Masaya ako mine, sobrang gusto ka ng pamilya ko."
"Masaya din ako na gusto nila ako."
Sobrang swerte ko na ganun kasi noon kay Gav, hindi naman talaga ako gusto ng pamilya niya. Ipinipilit lang ako ni Gav sa kanila.
"Mine, ngayon wala ng makakasira sa atin ha?"
Nung makarating kami sa bahay ay agad na niyaps ako ni papa at ni Jela.
"Mars, nakakaloka buti naman at dumalaw ka na dito. Miss na miss ka na namin ni Tito."
"Kamusta ka naman anak? Naku kasama mo pala ang boss mo, sana ay naghanda ako ng makakain ninyo."
"Papa, may sasabihin po sana kasi ako."
"Omg, mars. Don't tell me???? Buntis kaa? Sinasabi ko na nga ba, Ashanti Mikaela."
"Gaga. Wag kang O.A. Pa, Mars, gusto ko lang ipakilala ng pormal si Stell. Pa, Si Stell boyfriend ko."
"Magandang tanghali po, Tito."
"Eh hindi ba boss mo ito? Diba isa siya dun sa lima?"-sabi ni Papa
"Ah eh tito, opo. Sa tagal po siguro nitong anak ninyo sa amin eh nagkamabutihan po kami."
Nagkwentuhan lang sina papa at Stell habang kami naman ni Jela ay nag-uusap lang sa kusina habang nagpeprepara ng kakainin namin. Naikwento ko na din kay Jela ang tungkol kay Gav.
"Nako. Nagkrus nanaman ang landas niyo. Mamaya ano nanamang mangyari sa iyo."
"Hindi ko na hahayaang mangyari yun. Ang pinagtataka ko lang, bakit hindi sinabi sa akin ni papa na kay Tito Gerry siya nangutang. May nababanggit ba si Papa sayo?"
"Wala bes eh. Normal na parang mag-ama lang din kami ni Tito dito sa bahay."
Noong matapos na kaming makapagtanghalian, napagdesisyunan naming magpahinga muna ni Stell sa kwarto ko. Dito kami hanggang sabado.
Habang payapang natutulog si Stell binuksan ko muna ang laptop ko at nagtingin tingin.
May friend request??
Si Gav???
Bakit? Para saan pa?
I am not surprised to found out na nakita kong may mga message ito sa akin. Shemay, kapag minamalas ka nga naman ay naseen ko yun.
Gavriel Dela Riva: Mikaela, hindi ka ba talaga mag-rereply sa mga messages ko?
Yun ang huling chat sa akin ni Gav kaya agad ko namang nireply-an yun.
Ashanti Mikaela Cruz: Ano bang dapat natin pag-usapan? Ilang taon na nakalipas and okay naman tayo na hindi tayo nag-uusap na hindi ba?
Sa totoo lang ay nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing mararamdaman ko ang presensiya ni Gavriel. Isa sa dahilan ng break up namin ay noong malaman ko na isang parte ng sindikato ang pamilya niya, sindikato ng droga. Kasama na din sa dahilan ng break up namin is nung nadiscover ko na siya ay isang manipulative na tao.
YOU ARE READING
Not An Ordinary A'Tin
FanfictionAshanti is a solid fangirl of this ppop boy group. One night, she won a contest and the prize is to have a date night with the boy group. How will their story start?