Chapter 22
[The Witches]
"SA Verdamas nakatira ang mga gabay o bathala ng Magos Zarroah," Turo ni Dylan sa kalangitan.
Kahit gabi na'y nananatili pa rin itong maliwanag dahil sa hindi mabilang na bituin at sa malaki at bilog na asul na buwan.
Oo asul, kung sa nakalakhan kong mundo ay minsan lang sa buhay ang makakita nito, dito naman ay mukhang araw araw nila itong nasisilayan.
Hindi masyadong matataas ang mga puno sa parteng ito kaya nagagawa pa rin naming makita ang madilim na kalangitan na pinapaliwang ng mga bituin at buwan.
Nakahiga ako sa dibdib niya habang siya'y nakasandal sa puno.
"Sa pagkakaalam ko, ang mga bathalang tagapagbantay at isang Hari ang namumuno roon. At ang Verdamas ang kanilang kaharian. Isa silang mga makapangyarihan at matataas na nilalang ngunit may sinasamba rin silang pinakamataas na bathala, ang pinakamakapangyarihan at pinakamataas sa lahat na sinasamba rin sa mundo ng mga tao."
Napangiti ako habang nakatingala sa kalangitan.
Wala nang mas lalakas sa kapangyarihan Niya dahil nag-iisa lamang Siya.
"They are the Guardian Deities of Magos Zarroah. Each deity have a land to secure. Sa pagkakaalam ko, sa Emperyo ng Le Herra, si Lumina ang nagbabantay, sa Las Aragua naman si Elios. Thudarriaga is guarded by Hakim. While Argo in Yohagaria." Inisa isa niya iyon. "Meron rin sa iba pang kontinente pero hindi ko na kilala.." aniya.
"But I know.. Lazarus is the supreme god of Verdamas, the highest King here in Magos Zarroah." Dugtong niya.
Tumango tango ako.
"Ilan lamang ang nakasulat sa libro, kaya iyon lang ang malalaman ko patungkol sa kanila. Basta ang alam ko lang apat na bathala lang ang may kanya-kanyang emperyong binabantayan dito sa kontinente ng Laumora, at ang isa ay ang Hari. Hari sa Verdamas, hari natin at ng mga kaluluwa na napupunta roon. Hindi ko na alam kung ilang bathala pa ang naroroon."
Tahimik lang akong tumatango sa sinabi niya dahil na rin sa humihila sa aking antok pero pinilit ko pa ring magsalita.
"Sa tingin mo ba kaya nilang tumupad ng mga hiling?" Inaantok ko siyang tiningala para makita ang kaniyang mukha.
Ngumiti siya habang pinagmamasdan ako.
"Subukan mong humiling. Pakikinggan ka nila."
Pagkasabi niya no'n ay agad na akong pumikit.
Mahal na mga gabay...sana, makita at makasama ko na ang mga magulang ko. Sana agad na akong makabalik sa Zerrendale para makasama sila. Sana makilala nila ako bilang kanilang anak.
Hindi lang 'yon, nagdasal din ako sa pinakamataas sa lahat.
Sana po pagbigyan niyo na akong makasama ang pamilya ko. Sana gabayan niyo ako sa mga gagawin ko at kayo na po ang bahala sa akin.
Dumilat ako at muling tumingala sa kalangitan.
"Dylan,"
"Hmm?.."
"Sa tingin mo makikilala nila ako agad? Paano kung hindi sila maniwala sa akin?" Kinakabahang tanong ko.
"Don't worry. Makikilala ka nila. Mararamdaman ka nila dahil anak ka nila." Sagot niya.
Napangiti ako kasabay nang dahang dahang pagbagsak ng mga talukap ng mata ko dahil sa paghila ng antok.
Kinabukasan ay maaga akong nagising sa hindi ko mawaring ingay.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Laumora Series #1)
FantasyNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...
