Chapter 24
[The Last Dragon in Laumora]
(I suggest you to listen Fantasy Medieval Music: Dance with Dragons by BrunuhVille while reading this chapter. It will add more excitement and magic to the story ^_^)
Lyra Tyson's P.O.V
"HOY, Lyra!" Mabilis ang naging lakad ko papunta sa silid ni Prinsesa Vesta nang ako'y tawagin niya.
Yumuko ako agad pagkalapit sa harap niya.
"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo, Mahal na Prinsesa?" Magalang na sambit ko. Pinagmasdan ko siyang tinitingnan ang buong sarili sa salamin ng nakasimangot at tila hindi gusto ang nakikita.
"Wala na bang mas magarbong damit pa dito? Yung mas elegante pa at mas maraming mamahaling bato." Aniya. Napayuko ako para itago ang gitla ng noo ko.
Muli akong nag-angat ng tingin sa Prinsesa. "Marami po, Mahal na Prinsesa.." sagot ko.
"Marami naman pala, kung ganoon bakit ganito kasi-simple ang pinapasuot niyo sa akin?" Iritado siyang bumaling sa akin.
"Pasensya na po, Mahal na Prinsesa. Sasabihan ko na po ang mga nakatalaga sa inyong kasuotan ngayon." Yumuko ako pagkatapos. Aalis na sana ako nang magsalita ulit siya.
"Pakidagdag na rin ng mga alahas pagbalik mo saka..gusto ko ring ipabago ang pagkakatirintas ng buhok ko." Sambit niya pa bago bumalik sa kaniyang kama at umupo roon.
Yumuko akong muli. "Masusunod po," saka ako dumiretso sa pintuan para makalabas. Kunot noo akong naglakad sa pasilyo.
"Anong problema, Pinunong Lyra?" Tanong ng mas nakakababa sa aking tagapaglingkod.
"Dalhan niyo raw ng mas magagarbong damit ang Prinsesa.."
"Ganoon ba? Sige," anito.
"Saka pakidagdagan ng alahas. Magdagdag ka na rin ng mga kasama mo para ayusan ng buhok ang Prinsesa." Dagdag ko bago siya umalis. Nakita ko ang pagtataka niya.
"May pupuntahan ba ang ating Prinsesa?" Tanong nito.
Umiling ako. "Wala... Huwag ka na lamang magtanong. Iyon ang gusto ni Prinsesa Vesta." Tumango na lang ito at marahang yumuko sa akin saka tumalikod.
Nang makaalis ang isang tagapaglingkod ay doon ako napaisip. Ilang araw ng nandito ang Prinsesa—kung siya nga talaga. Pero sa halip na mas matanggap ko ay mas lalo kong nararamdaman na may kakaiba. Parang may mali.
Sa tuwing tatanungin ito ng mga bagay bagay ay iiwas ito o 'di kaya'y sasabihin niya na kailangan niya nang magpahinga o kaya'y nahihilo siya bigla. Tulad na lamang ng mga tanong kung anong nangyari sa kaniya ng siya'y mawala? kung sinong kumuha sa kaniya? Paano siya nakatakas o may nagpatakas ba sa kaniya?
Kung lumaki nga siya sa mundo ng mga tao, paano niya nalaman ang daan patungo rito sa Magos Zarroah? Paano niya nalaman na siya ay Prinsesa ng Zerrendale? Nalaman niya ba na ang marka sa kaniyang likuran ay sumisimbolo sa kaniyang kapangyarihang apoy?
Saka..hindi ko pa nakikita na ginagamit niya ang kaniyang kapangyarihan.
Ayoko namang basta basta na lang sabihin sa aming Reyna at Hari ang mga napapansin ko, paniguradong hindi nila ako paniniwalaan. Pero kailangan kong mapatunayan ang aking haka haka. Kailangan kong makasiguro.
Sanggol pa lamang nang mawala sa amin si Miss Vesta, at ngayon..kahit ngayon ko lang ulit siya nakita ay tila parang may mali. Hindi ko alam, baka ako lang ang nakakaramdam nito dahil sabik ang lahat sa pagbabalik ng Mahal na Prinsesa lalo na ang Hari't Reyna.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Laumora Series #1)
FantasyNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...
