CHAPTER 10: Their Magic

1.1K 30 3
                                        

Chapter 10
[Their Magic]

KINABUKASAN ay ganun nga ang nangyari. Katulad kahapon ay halos mamatay kami sa pagod sa pinagawa buong araw ni Mang Cosmo para lang mapalakas daw namin ang aming mga katawan.

Pero kahit ganoon ang mga nangyari ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang mga sinabi ni Dylan kagabi. Ang tungkol sa Magos Zarroah, ang tungkol sa mga magulang ko...at kung bakit ako gustong ipapatay ni Rocero Salvatore.

Namatay ang anak niyang si Alaric dahil sa aking tunay na ama, si Dion Zatarein. At ngayon bilang kapalit ay gusto niya rin na ako naman ang mamatay.

Sobrang sakit isipin na may isang taong gusto akong patayin. At kamag anak ko pa... Pero masisisi ko ba siya? Dahil namatay din ang kaniyang anak dahil....sa aking ama? Pero iyon ba talaga ang totoo?

Sa sumunod pa na limang araw ay ganun din ang nangyari, ensayo upang mapalakas ang pangangatawan. Nitong mga nakaraang araw ay mas napapalapit kami sa isa't isa. Halos bihira na ring mag-away sina Grasya at Zella. Pero nananatili pa ring misteryoso sa amin si Mang Cosmo, at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami pinupuntahan ni Mang Isagani.

Sa sumunod na linggo naman ay tinuruan niya kaming gumamit at makipaglaban gamit ang espada sa tabing dagat.

"Iunat niyong mabuti ang inyong mga kamay, ang kalaban ang dapat na sugatan niyo at hindi ang mga sarili niyo."

"Hawakan niyo ito ng mabuti, ibigay niyo ang inyong lakas dito."

Iyan ang mga sinasabi niya habang naglalakad siya sa harap namin. Ang kaniyang dalawang kamay ay nasa likuran habang isa isa kaming tinuturuan.

Tinuturo niya sa amin ang tamang pagwasiwas, pagsaksak, at pagsalag ng atake ng kalaban gamit ang espada. May mga steps din iyon na parang sayaw at inaaral namin iyon ng mabagal.

Pagkatapos namin iyong makabisado at masanay ng mabuti ay mabilis na namin iyong nagagawa.

Makalipas ang isang linggo, Kulay kahel na ang kalangitan ng pinaglaban na kami ni Mang Cosmo isa isa.

Unang naglaban ay si Grasya at Zella. Pareho na silang magaling. Lahat ng pag atake ni Zella ay nasasalag ni Grasya saka siya naman ang susugod.

Sumunod ay kaming dalawa ni Liam. Kumunot ang noo ko ng mapansing hindi niya masyadong ginagalingan na tila pinagbibigyan lang ako.

"Liam, ano ba, ayusin mo nga 'yang laban mo. Walang prinsesa prinsesa sa labanan." Mahigpit kong hinawakan ng dalawang kamay ang aking espada habang nakataas ito at nakatapat sa gilid ng aking ulo habang nakaturo ito sa direksyon niya. Nakikita ko na ang repleksyon ng aking mga mata sa espada.

Parang nag alangan pa siya. Hinihingal siyang lumingon kay Dylan. Mas lalong kumunot ang noo ko ng lingunin ko si Dylan na nanonood sa amin, katabi niya si Mang Cosmo at si Sean.

Muli akong bumaling kay Liam.

"Liam!" Sigaw ko. Napatingin siya sa akin at inayos ang posisyon ng tayo at paghawak ng Espada.

Muli akong sumugod sa kaniya at puro salag lang ulit ang ginagawa niya. Nag init na ang ulo ko sa ginagawa niya kaya mas nilagyan ko na ng pwersa ang mga pag atake ko sa kaniya. Mas nilakas ko din ang paghampas ko ng espada sa tuwing sasalagin niya. Atras siya ng atras at mukhang nahihirapan na siya.

"Gumanti ka, Liam. Hindi puro ganito lang." Iritadong sabi ko.

"But--Miss."

Muli kong nilaksan ang pagwasiwas ng aking espada sa kaniyang tagiliran niya pero agad niya iyong nasalag.

The Missing Ember (Laumora Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon