CHAPTER 8: The Island

1.4K 36 4
                                        

Chapter 8
[The Island]

NANG nahanap namin si Zella ay nagulat kami nang makita siya sa classroom at tulala. Ang inaasahan ko ay umiiyak siya o di kaya'y magwawala.

Tumikhim ako nang makalapit sa upuan niya. "Ayos ka lang?.." 

Kumunot ang noo niya at tiningala ako. Tipid siyang ngumiti.

"Of course! Bakit naman ako hindi magiging maayos?" Natatawang aniya.

Natigilan ako. Bahagya kong nilingon sina Grasya na nasa likuran ko ngayon. Nakahalukipkip siya.

Bumaling ulit ako kay Zella na tinitingnan na ang reaksyon ko at ng mga kasama ko.

"Oh.. my gosh.." tumawa siya. "Akala niyo ba iiyakan ko yung plastic na iyon?" Aniya sa natatawang tono.

Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya o bumalik na ang kilala kong Zella.

Napailing siya. "Oh, hell no, I won't waste my precious tears for that evil bitch."

Tumango na lang kaming lahat. Pero bago pa ako makapagsalita ay naagaw na ang atensyon namin sa pagpasok ni Sir Axton.

"Class," panimula niya. Nawala kay Zella ang atensyon naming lahat at hinarap si Sir Axton.

"Alam kong alam niyo na ang tungkol sa kumakalat ngayong video..." Bakit pakiramdam ko may sasabihin si Sir na iba...

"At mas nagiging curious ang mga tao sa inyo at ayokong magkagulo ang iba dahil dito." Lumapit siya sa amin saka siya humalukipkip.

"Sir, anong gagawin natin ngayon?" Si Sean. Napatingin sa kaniya si Sir.

Inilibot niya ang paningin sa amin at tumigil ito sa akin. "Kailangan niyong umalis," anunsyo niya.

"Po?!" Halos sabay sabay naming tugon.

"Teka, sir paano yung pag-aaral namin?"  Tanong ko. Natigilan siya't tumingin siya sa akin.

"Aseila, pwede niyo namang ipagpatuloy ang pag-aaral niyo sa Zerrendale. May magandang eskwelahan din doon." Dahan dahan nalang akong napatango. Unti unti ko nang naiimagine ang itsura ng Zerrendale. Nasasabik na talaga akong makapunta roon.

"Sir, bakit hindi nalang po kami bumalik mismo sa Zerrendale?" Tanong ni Liam. Napatingin ako sa kaniya.

Umiling si Sir, "No, Liam, Hindi pa pwede... Baka pinapahanap pa ngayon si Vesta. At baka hanggang dito sa lugar ng mga mortal ay hinahanap siya. At dahil sa kalat na video pwedeng mapadali ang pagtunton sa inyo ng mga gustong pumatay kay Vesta." Kunot-noong sagot ni Sir.

Nabuhay ang kuryusidad sa isipan ko.
B-Bakit ba nila ako gusto patayin? Ganun ba ako kamalas at kawalang halagang nilalang?

Pero bago ko pa maitanong ‘yan ay naunahan na ako ni Zella. Tumayo na siya sa kinauupuan at tumabi sa amin.

"Wait, sir, saan niyo naman po kami dadalhin?"

Bumuntong si Sir saka nagsalita. "Sa isang isla..." Sagot niya na nakapagpasinghap sa amin.

"What?!" Siyempre ang unang nagreact, walang iba kundi si Zella.

"No way, sir. Kahit magpaiwan nalang ako dito."  Umiling si Zella. Pinagkrus ang mga braso.

"Zella!" Saway ni Sean.

"What, Sean?!" Nagtitigan sila ng masama pero nanalo pa din si Sean.

"Psh, fine!"

"Sir, saan po bang Isla? Tsaka bakit po doon?" Tanong ni Grasya.

"Sa Isla ng Sherulana kayo pupunta. Doon muna kayo pansamantala.. Magpapaiwan ako dito upang ayusin ang gulo. Doon kayo sapagka't walang tao doon. May mga mage lang. May mga mage na nanatili roon at nagsama sama." Nakinig kaming lahat, kahit na mayroong hindi sang ayon.

The Missing Ember (Laumora Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon