Chapter 3
[The Fire]
ISANG buwan na ang dumaan simula nang mamatay si Nanay. Simula noon ay hindi na ako makatulog at makakakain ng maayos. Gusto kong umiyak nang umiyak pero hindi pwede.
Kailangan ituloy pa rin ang buhay. May hahanapin pa ako. Kailangan kong mabuhay mag-isa, kailangan kong mag-aral at mas lalong kailangan kong maging matatag.
Napabuntonghininga ako. Para akong walang buhay na naglalakad papunta sa library. Papalapit na naman ang examinations kaya mas lalong hindi ako pwedeng magpabaya ngayon.
Papasok na ako sa library nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa bulsa. Tinignan ko iyon at nakitang may text si Sean. Siya lang naman ang nagtetext sa akin, kaya hindi na ako nagugulat do'n.
Sean:
Nasaan ka?
Kumunot ang noo ko. Hindi ko yun nireplyan at pinasok na agad sa bulsa. Nitong mga nakaraang araw, text siya nang text pero hindi ko rin nire-replyan. Nauuna rin akong pumasok dito sa school kasi alam kong hihintayin niya na naman ako sa labas ng bahay.
Papasok na ulit sana ako sa library nang maramdaman ko ang biglang pagkirot ng ibaba ng ng batok ko. Hinawakan ko iyon. Mariin akong napapikit.
Noong gabing namatay si nanay, nakaramdam din ako ng biglang paghapdi sa bandang ibaba ng batok ko. Tiningnan ko iyon sa salamin at natigilan ako nang makita ang hugis apoy na birthmark ko na namumula at nagliliwanag.
Hindi ko alam ng ibig sabihin no'n. Ang puso at isip ko ay abala pa sa dahil sa pagkawala ni nanay noong oras na 'yon kaya hindi ko na masyadong binigyang pansin ang paghapdi nito.
Pero ngayon na naramdaman ko ulit ang pamilyar na sakit ay hindi ko na mapigilang maguluhan at kabahan kung ano ba talaga ang nangyayari dito.
Umiling na lang ako at tuluyan ng pumasok sa silid aklatan. Medyo maraming estudyante ngayon. Naupo ako sa pinakalikuran kung saan walang nakaupo.
Kumalam ang sikmura ko. Hindi pa pala ako kumain ng umagahan. Binalewala ko iyon at nagsimulang magbasa..
Mayamaya ay may napansin akong umupo sa unahan kong mesa, sa harap ko. Dalawang babae. Akala ko pa naman magbabasa at mag-aaral sila, pero nagtsismisan lang sila.
Malayo yung nagbabantay na librarian kaya hindi sila naririnig. Pero ako iritadong iritado na sa kaingayan nila. Gusto ko silang sigawan pero baka ako naman ang mapaalis dito.
"Alam mo ba, parang nitong mga nakaraang araw may hinahanap yung students ni Sir Axton..." Anang isang babae.
"Sino? Sina Dylan, Liam at Eurella ba yan?" Tanong naman ng isa.
"Malamang girl, sila lang naman ang students ni sir diba. Saan na namang lupalop napadpad utak mo, lutang lang?"
"Oo nga ‘no---Omg! Teka, sino naman daw? Babae daw ba ang hinahanap nila? Bakit naman kaya?"
"Yes, babae daw."
"What?! Why? Ngayon lang sila nagkagulong tatlo sa isang bagay...I mean sa isang tao."
Mariin akong napapikit. Nagulo ko ang buhok ko sa ingay nila.
Talagang dito pa sa library nila naisipang magtsismisan.
Naubos na ang pasensya ko't tumayo na ako sa upuan ko at naglakad papunta sa pwesto nila. Kinalabit ko yung isa.. pero hindi pa din ako pinansin.
"Uh, excuse me.."
Pareho nila akong nilingon. May iritasyon sa mga mata nila.
"Will you please lower down your voices? Nagbabasa kasi ako sa likuran ninyo, nakakadistract lang. Isa pa, library 'to hindi palengke."
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Laumora Series #1)
FantasyNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...
