Chapter 11
[His Presence]
DAHIL siguro sa pagod ay mabilis na nakatulog sina Zella at Grasya. Ganun din sa mga lalaki. Kaya ingat na ingat akong huwag makagawa ng ingay palabas ng bahay.
Umihip ang malamig na hangin ng gabi na dumampi sa aking balat. Bigla akong napayakap sa sarili. Sinubukan kong kontrolin ang kapangyarihan ko upang mapainit ko ang kapaligiran ko ganun na din ang katawan ko.
Nagtagumpay ako. Napangisi ako nang hindi ko na maramdaman ang nakakapanginig na lamig ng gabi.
Siguro nga malaking tulong ang ginagawa naming pagsasanay, dahil dito mas nakokontrol at mas nakikilala namin ang sariling kapangyarihan namin..
Pinagkrus ko ang mga braso ko saka tumingala sa langit. Hindi makita ang maliwanag na buwan dahil sa nakatakip dito na makapal na ulap. Nakatayo pa rin ako sa harap ng bahay at hindi man lang dinadalaw ng antok.
Tanging tunog lang ng mga dahon at mga puno ang naririnig kapag naghahampasan dahil sa ihip ng hangin. Kasama nito ang natural na ingay ng kapaligaran dahil din nasa gitna kami ng gubat. Tanging maamoy mo lang ay ang purong amoy ng mga puno't halaman.
Sinumulan kong ihakbang ang mga paa ko patungo sa lugar na may nakatumbang puno kung saan kami umupo noon nila Dylan at Liam. Ang nagliliyab kong palad ang nagsilbing ilaw ko sa daan patungo roon. At mabilis din na inirelease iyon sa kumpol ng mga kahoy sa tapat ng nakatumbang puno.
Maya maya ay nakaramdaman ako ng kakaiba sa likuran ko. Naging alerto ako at pinakiramdaman kong mabuti. Tiningnan ko sa gilid ng mata ko ng hindi iginagalaw ang ulo. Palihim kong inihanda ang kamay ko. Pero ng paglingon ko ay...
"Bakit hindi ka pa natutulog?"
Si Mang Cosmo. Napakurap-kurap ako habang nakatingala sa kaniya. Walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa akin. Nakahinga ako ng maluwag at bumaling na muli sa harap.
"Kayo lang po pala.."
Hindi siya nagsalita at walang imik na umupo sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito sa labas, at hindi ka pa natutulog?" Tanong niyang muli.
"Gusto ko po sanang mag sanay pa," tugon ko.
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Sa aming lahat, ako ang mas may maikling panahon ng pagsasanay. Kaya kailangan kong pag igihan ang pagkontrol sa majika ko, Mang Cosmo." Tumingin ako sa kaniya pero sa harap lang ng apoy siya nakatingin.
"Mabuti iyan," tumatango tangong aniya.
Ngumiti ako at bumaling na din sa harapan. Inilahad ko ang palad ko sa harapan at nagsimulang lumabas doon ang maliit na apoy hanggang sa lumaki. Pinaglaruan ko iyon gamit ang mga daliri ko.
"Paano niyo nga po pala natutunan ang mga tinuturo niyo sa amin?"
Nagkaroon ng maikling katahimikan bago siya sumagot. "Lumaki ako at pinalaki kasama ang mga mage at doon ko nalaman ang ibang kaalaman sa ibang kapangyarihan ng mga mage din."
Tumango ako at pinagpatuloy ang paglalaro sa apoy sa daliri ko.
"Kilala ko si Adamina..." Natigilan ako roon. Bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla niya iyong sinabi. Naikuyom ko ang palad ko kasabay ng paglaho ng apoy nito. Napatingin ako sa kaniya.
"Paano niyo nakilala si nanay?" Tanong ko. Bumuntong hininga siya. Wala naman akong sinabi sa kaniya tungkol kay nanay..
Nagsalita akong muli ng matagalan sa sagot niya. "Ibig sabihin kilala mo na ako simula pa lang? Nagpanggap ka ba nung una na hindi mo ako kilala?" Kunot noong tanong ko. Umiling agad siya habang nakatingin pa rin sa harap.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Laumora Series #1)
FantasyNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...
