Chapter 31
[The Plan]
Vesta's P.O.V
HABANG sakay ng kabayo ay nilingon ko si Ina sa labas ng palasyo. Punong puno ng pagaalala ang kaniyang mukha para sa akin at sa aming lahat. Kasama niya ang ilang mga opisyales ng palasyo.
"Anak, tayo na," nilingon ko si ama. Nakasakay na rin siya sa kaniyang kabayo. Sa bandang likuran naman namin ang aking hukbo.
Tumango ako kay ama at binaling na ang kabayo paharap. Nauna nang umalis si ama kaya humabol ako. Napalingon ako kay Dylan ng mapantayan ang takbo ko. Nagtama ang paningin namin.
Ngumiti siya at bahagyang tumango. Ngumiti din ako. Nilingon ko naman sa kaliwa ko si Liam na seryoso lang at tahimik. Nakatingin lang siya sa daan.
May liwanag pa, at sigurado akong madilim na kapag nakarating kami sa bungad ng Grendelle.
At totoo nga, madilim na ng matanaw na namin ang bungad ng kahariang iyon. Tumigil kami malayo sa boundary no'n.
Napalingon ako kay sir Axton na sumama rin. Sakay rin siya ng kaniyang kabayo. Bago kami umalis kanina sa palasyo ay sinabi na sa kaniya ang plano ganon na din sa ibang pang kawal.
"Vesta, tulad ng plano, mauuna kaming susugod sa harapan at ang pangkat niyo nila Dylan ay iikot sa likuran." Sabi ni Ama.
"Oo nga, Mahal na Prinsesa," tumingin ako kay Sir Axton ng magsalita siya. Napatitig siya sa akin. "Sa likuran kayo umikot." Dagdag pa niya. Kumunot ang noo ko ng mapatitig rin sa kaniya.
Sandali akong natigilan bago umiling. "Hindi..."
Napatingin ang lahat sa sinabi ko. Nagtinginan sila na tila naguguluhan sa sinabi ko.
"Vesta," kunot noong sambit ni ama. Binaling ko ang aking kabayo paharap kay ama.
"Sa likuran kayo, ama. Kami nila Dylan sa harap.."
"Pero, anak delikado--"
"Kumilos na tayo, ama.." singit ko saka yumuko ako sa kaniya bilang paggalang at nilingon si Dylan.
"Tara," saka ako naunang magpatakbo.
Kahit naguguluhan ay sumunod na rin si Dylan at ang grupong nakatalaga sa akin.
"Why'd you do that? What are you thinking?" Si Dylan ng makahabol sa akin. Sa madilim na daan lamang ako nakatingin.
"May nararamdaman akong kakaiba.." sagot ko. Nilingon ko ang nasa likuran ko at nakitang ginawa ni ama ang sinabi ko. Sila ang umikot sa likod kasama sina Heneral at sir Axton maging ang iba pang kawal.
Muli akong bumaling sa harap. Humampas sa aking mukha ang malamig na hanging sinasalubong ng Grendelle.
Hindi na nagsalita pa si Dylan.
Pare pareho kaming bumaba sa sari sarili naming kabayo ng makalabas kami ng kakahuyan.
Tumakbo ako papunta sa mga kawal na nagbabantay sa labas ng palasyo ng Grendelle.
Nang makita ako ng isang kawal ay agad itong umatake sa'kin kaya hindi na ako nag aksaya ng oras, nagrelease na ako ng apoy at ipinatama sa kaniya. Tumumba agad ito. Mabilis kong nilingon ang isang paparating na kawal at agad siyang hiniwa sa bandang dibdib gamit ang aking espada. Sinaksak ko pa ito, hinugot ko rin ang espadang may bahid na ng dugo saka sinipa ang kawal para tumumba na.
May tatlo pang nagsidatingan pero sila Dylan na ang kumalaban dito. Tumakbo ako papasok.
Pagkabukas ko sa mataas na pintuan ay may dalawa pang kawal na nakabantay kaya pinatumba ko na sila gamit ang aking kapangyarihan.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Laumora Series #1)
FantasyNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...
