CHAPTER 9: Informations

1.3K 35 2
                                        

Chapter 9
[Informations]

"BILIS! Takbo pa! Bilisan niyo! Huwag kayong hihinto! Napakababagal ninyo!"

"Ikutin niyo ito mula rito hanggang doon! Huwag kayong mag-inarte!"

"Ano ba?! Bilisan niyo pa! Napakahihina niyo!"

Halos mamatay ako sa hingal dahil sa ginagawa namin ngayon. Kanina, alas kwatro palang ng umaga ay ginising na agad kami ni Mang Cosmo. Halos hindi kami masyadong nakatulog kagabi dahil sa kaartehan ni Zella dahil wala raw kutson at unan.

Hindi kami makatulog ni Grasya sa ingay at pagrereklamo niya kaya hindi ko alam kung anong oras na kami nakatulog. Ako naman ang ginawa ko lang na unan ay ang bag ko, ganun din ang ginawa ni Grasya. Ginawa rin 'yon ni Zella pero mas madami ang atungal niya.

Ang mga lalaki naman sa sala ay pinagkasya ang mga katawan sa sahig. Nilatagan lang ng makapal na lumang karton at ang ginawang unan din nila ay ang kanilang mga bag. Hindi ko alam kung saan natulog si Mang Cosmo.

Nagulat nalang kami kinaumagahan sa biglang pagsigaw at paggising bigla sa amin ni Mang Cosmo at pinaalalang sasanayin daw namin ang aming mga katawan at kapangyarihan simula ngayon.

Siyempre unang-unang nagreklamo ang maarteng reklamador na si Zella. Kaninang nagbibihis kami para sa pagsasanay ay nakaupo pa rin ito sa papag at naka tulala. Nagkakamot sa braso dahil sa kagat ng lamok na ngayon ay namumula na sa kanyang maputing balat. Tamad niya kaming tiningnan.

"Ayokong sumama..." Hindi ko alam kung maiiyak ba siya o ano.

Nagkatinginan kami ni Grasya. Nagkibit balikat siya saka nagpaalam sa akin. "Mauna na ako sa labas, Miss." Tiningnan ko siya at tinanguan saka siya dumiretso sa pintuan para lumabas.

Tiningnan ko si Zella. "Kanina pa tayo pinapatawag ni Mang Cosmo, Zella.."

Umirap siya. "Wala akong pakielam sa matandang 'yun! Napaka attitude! I hate him! Kakausapin ko siya mamaya at kahit hindi siya pumayag ay mags-swimming ako! Bwisit!"

Tumango nalang ako.

"Zella, ano ba! Bilisan mo namang tumakbo! Napakabagal mo, nahuhuli ka na!"

"O-Opo!!"

Pinilit kong huwag lingunin si Zella sa may likuran ko. Pinipilit ko pa ring tumakbo kahit na kanina pa tumatagaktak ang pawis ko. Bigat na bigat na rin ako dahil may dala pa kaming mga kahoy sa aming balikat. Binasa ko ang labi dahil parang matutuyuan na ako. Napalunok ako.

Bumabagal na ang takbo ko dahil sa pagod at dahil na rin sa init. Hindi ko alam kung anong oras na pero maliwanag na.

Nandito kami sa may tabing dagat at tinatakbo ang sinabing direksyon ni Mang Cosmo. Kailangan naming ikutin iyon pabalik sa kaniya. Ilang ikot pa ang ginawa namin hanggang sa...

"Tigil."

Halos lumuhod ako para magpasalamat dahil sa isang salita lang na 'yan. Agad kaming humilera at tumigil sa harapan niya. Ibinagsak ko agad ang kahoy na dala sa buhangin. Mabilis akong napaupo at hinabol ang hininga.

Nilingon ko ang mga kasamahan ko.

Si Dylan ay nakatayo at nakapameywang habang hinihingal. Nakatalikod siya sa amin at nakaharap sa dagat. Taas baba ang kanyang likuran. Wala na din ang buhat na kahoy. Tulad naming lahat.

Si Sean naman ay nakaupo na din, nakatukod ang dalawang kamay sa buhangin sa may bandang likuran niya. Nakatingala siya habang nakapikit. Tagaktak na din ang pawis.

Si Liam naman ay nakaupo, Maya maya ay napahiga na sa buhanginan habang nakapikit at hinihingal. Pinatong niya ang isang kamay sa may bandang tiyan niya.

The Missing Ember (Laumora Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon