Chapter 28
[The Boyfriend]
DAMN that scammer!
Pinilit ko nalang tanggalin ang gitla sa aking noo habang dahan dahang akong naglakad sa entablado ng malaking bulwagan kung saan naroon ang trono ni Ama.
"Hey.." narinig kong bulong sa akin ni Dylan sa likuran ko pero hindi ko pinansin. Nakatitig lang ako sa harap habang diretsong naglalakad.
Nakatayo sina ama at ina sa harapan ng trono ni Ama habang nakangiti nila akong tinitingnan. Nang makalapit ako ay dinala nila ako sa kanilang gitna.
"Napakaganda mo, anak.." nakangiting sambit ni Ina saka iniligay ang dalawang kamay sa aking magkabilang pisngi.
"S-Salamat po," ngumiti siya at bumaling na sa harap.
Tumingin na din ako sa harap ng makita ang mga kawal na nagsisiyukuan sa akin. Pagkatapos nila ay saka sila pumagilid. Doon naman nagpunta ang mga tagapaglingkod ng palasyo na yumuko rin sa akin.
Pagkatapos no'n ay hinarap ako ni Ama.
"Vesta, sa mga susunod na araw ay kailangang malaman ng ating mga nasasakupan ang mga nangyari dito sa palasyo, nang sa gano'y pormal ka na naming maipakita at mapakilala bilang tunay at totoong Vesta Zatarein."
Tumango ako. Nakaramdam ako ng kaonting kaba dahil sa pagpapakilala sa akin sa buong Zerrendale. Hindi ako sanay sa ganito pero kung ganitong buhay ang mayroon ako ay hindi na ako magrereklamo pa basta't makasama ko lang ang mga magulang ko.
Napahinto ako ng matigilan. "Pero, Ama...hindi pa po dumadating ang ibang mga kaibigan ko..susunod daw po sila dito."
Nagkatinginan sila ni ina. "Kung ganoon, hihintayin natin ang kanilang pagbabalik bago ka ianunsyo." Saka ngumiti si Ina.
Hindi ko na ring napigilang mapangiti at mapayakap sa kanila. Mariin akong napapikit.
Nay...nandito na po ako sa Zerrendale, nakauwi na po ako. Nakasama ko na po ang mga magulang ko. Salamat sa kapangyarihang binigay niyo sa akin para maisalba ang buhay ko.
Hindi ko na napigilan muling mapaluha ng maisambit ko iyon sa aking isipan habang yakap ang aking mga magulang.
Ang mga sumunod na oras ay masasaya lang at puro kasiyahan. Hindi muna pinaalam sa labas ng palasyo ang tungkol sa akin.
Marami ring humingi ng tawad dahil hindi nila ako nagawang makilala at iligtas ng masaksak ako ng huwad. Agad ko iyong naintindihan. Natakot lamang sila.
Pinakilala din sa akin nila ina ang mga mas bata pang Ylundra na naglilingkod dito sa Zerrendale. Pinakilala rin sa akin ang mga konseho at ibang opisyales ng palasyo.
Maging si Heneral at ang mga kawal nito. Si Heneral Silvester ay ama ni Dylan.
Ngumiti sa akin si Dylan na nakatayo lamang sa gilid katabi si Liam, Zach at Ayesha na pinagmamasdan ako.
Nang magsialis ang iba ay saka sila lumapit.
"Aalis na kami ni Ayesha, Mahal na Prinsesa.." yumuko si Zach at si Ayesha na katabi niya.
Naglakad din palapit sa kanila sila Dylan at Liam.
Bumaba ako sa entablado at hinarap sila.
"Agad? Bakit hindi muna kayo magpahinga dito? Malayo ang nilakbay natin pare-pareho.."
Nilingon ko si ama. "Pwede po bang dito muna sila pansamantala?" Agad namang tumango ang aking ama.
"Oo naman.." aniya. Napatingin siya kay Zach na nakatitig na rin kay ama. "Kilala ko naman si Zach.." nagkatitigan sila.
BINABASA MO ANG
The Missing Ember (Laumora Series #1)
FantasiNang mamatay ang kinilalang Ina ni Aseila Valdezada ay doon na nagsimula ang pagbabago sa normal niyang buhay. She was broken.. confused.. and shattered.. Lahat ng akala niyang totoo ay mali pala. Lahat ng akala niyang imposible, nangyayari na sa ka...
