CHAPTER 2: Birthday

2.8K 75 13
                                        


Chapter 2
[Birthday]

SA lahat ng araw na hinihintay ko, bukas ang pinakahihintay ko!

Tomorrow is my birthday, kaya lang wala akong masyadong handa dahil wala naman akong ibang bisita. Kaming dalawa lang ni inay. Wala rin akong maraming kaibigan sa school dahil tanging si Sean lang ang nakakasama ko.

"Nay! Papasok na po ako." Hinawi ko ang manipis na kurtina na nagsisilbing takip ng kwarto niya para makapasok. Lumapit ako sa kanya saka umupo sa gilid ng maliit na kama niya.

Kaagad naglaho ang ngiti ko nang makita ko na naman ang naghihina niyang katawan.

"T-teka, anak...nag-almusal ka na ba?" Babangon pa sana siya pero pinigilan ko ito. Pinahiga ko ulit siya sa kama saka inayos ang unan niya.

"Opo, dinalhan ko na rin po kayo ng pagkain... para mamaya kung magutom kayo pwede kayong kumain. Papasok na po ako.." ngumiti ako at humalik sa pisngi niya.

"Mag-iingat ka, Aseila..." ngumiti siya. Napangiti din ako. Nagpaalam pa ako saglit bago lumabas ng kwarto niya.

Doon na nawala ang ngiti ko. Ngiting palagi kong pinapakita sa kaniya. Ngiting masaya at walang problema. Dahil ngiti lang naman ang maskarang pangtakip ko sa totoong nararamdaman ko lalo na pagnakaharap sa kaniya.

Pinilit kong huwag maiyak sa tuwing nakikita si nanay. Matanda na siya at may sakit sa puso. Ayaw niyang magpagamot sa ospital. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung bakit. Dahil ba mahirap kami at walang pera? Pero kaya kong gawan ng paraan iyon para sa kaniya. Pero hindi, eh. Ayaw niya talaga. Isa pa, pakiram ko talaga hindi lang sa pera ang dahilan kung bakit.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Siya lang ang nakasama ko buong buhay ko. Nagtutulungan kami sa bawat araw. Pero hindi siya nakikisama sa akin pagdating sa kalusugan niya.

Mapait akong ngumiti. Alam ko na din na hindi niya ako tunay na anak. Matagal na. At hanggang ngayon, hindi niya sinasabi kung sino ang mga totoo kong magulang dahil hindi niya daw alam. Ni hindi ko nga alam kung ayaw na ba sa akin ng mga totoo kong magulang o kung bakit nila ako pinamigay? Nasaan sila?

Nilunok ko ang bukol na namuo sa lalamunan ko, saka bumuntong hininga. Kaya hanggang ngayon parang may kulang sa pagkatao ko, lalo na kapag nararamdaman kong hindi ako kabilang sa lahat.

Inayos ko ang bag ko sa likuran saka nagsimulang humakbang palabas ng bahay.

Kaya lang halos mapatalon ako sa gulat nang makita si Sean na nakasandal sa gilid ng pintuan namin.

Umayos siya ng tayo at lumapit na sa akin.

Pagkalapit niya ay siyang pagsampay ng braso niya sa balikat ko.

"Tara, sabay na tayong pumasok." Aniya.

Napataas ang kilay ko. Marahas kong inalis ang braso niya sa balikat ko. Nagsimula na kaming maglakad.

"Ang lapit lapit na nga lang, hindi ka pa lang nauna." Binilisan ko ang lakad kaya naiwan siya sa likuran ko.

"Ang boring kayang maglakad mag-isa.." tamad na sabi niya.

Natawa ako.

"Talaga ba? Akala ko, takot ka lang maglakad mag-isa. Baka kasi may makasalubong kang mga siraulo sa daan." Sarkastikong sabi ko. Hindi ko namalayan na magkatapat na pala kami.

Mabilis niya ulit akong inakbayan.. nang mahigpit. Halos nakadikit na ang ulo ko sa dibdib niya. Sinubukan ko pa itong tanggalin pero binalik niya ulit.

"Ano ba?!" Reklamo ko.

"Ako takot? What am I?..A kid? Baka manigas sila sa takot kapag nakaharap nila ako." Nakangising aniya, binalewala ang pagrereklamo ko sa pag-akbay niya.

The Missing Ember (Laumora Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon