"Maraming salamat sa pagpunta, attorney." kabikabilang kamayan at ngiti ang ibinabahagi ng aking mga magulang sa mga bisitang kilala sa larangan na kinagagalawan ng ate Lily at ng asawa nito.
Paalis na ako ng may kakilalang bumati sa akin.
"Sola, hindi mo pala naipasa ang LET? Itong ate mo na one-take lang ang bar, dapat nanghiram ka muna sa kaniya ng brain cells." Ngumiti ako at tiningnan ang ate na alam kong nahihiya na.
"Naku, hindi ho siguro para sa akin ang teaching atty. at hindi ko ho hilig hiramin ang mayroon ang ate."
Ay, ganoon ba? Buti itong ex mo, ibinigay mo sa ate mo?
"Hindi ko ho binigay---"
"Sola, ipahanda mo na ang mga sasakyan at ng makakain na sa reception ang mga tao." bulong ng mommy at hinila pa ako habang nakaplaster ang ngiti sa attorney na kausap ko kanina.
"Kasal ng ate mo Sola, huwag ka na munang umattend sa party." bilin ni mommy ng makalayo na kami sa simbahan.
"My, di ko ho talaga maatim na dumalo, hindi ako manhid my." tinalikuran ko na ang mommy at mabilis na sumakay sa kotse ko at tuluyan nang nilisan ang simbahan.
Buo na ang desisyon ko na umalis, dahil umalis man ako sa bahay ay makikita ko parin sila.Masyadong maliit para sa amin ang Pilipinas. Kaya aalis ako ng bansa, pagod na akong sabihing pagod na ako. Tinext ko si Yana at nagsabing lilipad ako patungong Paris, doon muna ako sa kapatid ni mommy. Kailangan ko ng hangin na bago sa baga. Dahil baka mabaliw ako sa hangin ng Pilipinas.
Tumawag si Yana at tinanggap ko ang tawag niya.
"Ngayon na? Nasa school pa ako, hintayin mo na akong matapos at ihahatid man lang kita."
"Gabi ang lipad ko Yana, kukuhanin ko lang ang maleta ko at magbibihis, antayin kita sa park ha."
"Wag na, daanan mo ako sa school, mag-e-early leave ako. Kumain muna tayo alas onse pa lang, mamasyal muna tayo, bago ka umalis." Bago pa man matapos ay umiiyak na si Yana.
Umuwi ako at sa likod dumaan dahil sa harap ng bahay ang reception ng kasal. Matapos kong magsabi sa kasambahay na huwag na munang sabihin ang pag-alis ko hanggat hindi itanatanong ay bigla kong naramdaman ang paghila sa kaliwang braso ko patungo sa likod bahay. Tumama ang bagahe ko sa hamba ng pinto at hinila ko pabalik sa akin ang braso ko at inayos ang bagahe. Hinila akong muli ni Jude, tinitigan ko siya mula paa patungo sa kaniyang mga mata.
"I believe we should not be seen talking, all the more privately, atty."
"Saan ka pupunta?"
"Magsasaya."
"Triste Sola!"
"Bakit!? Ha! Wala ba akong karapatang magsaya? Hmm?" Bago pa lumandas ang aking mga luha ay nakipag-unahan akong palisin ang bawat nagbabadya.
"Hindi ko gusto ang nangyayari." Bulong ni Jude.
"Na aalis ako at magsasaya?"
"Hindi ko gusto na hindi mo ako ipinaglaban!" sigaw ni Jude na sinagot ko ng sampal. Nag akmang muli niya akong hahawakan pero iniwas ko ang braso ko.
"Fighting for someone who isn't even fighting for himself is not my thing, Jude. Kung ayaw mo pala, bakit ka nagpakasal? Kung ayaw mo pala bakit nagising na lang ako na asawa ka na ng ate ko? Kung ayaw mo pala....putangina, bakit? I have no plans fighting for you, I will not dare, I know the feeling of betrayal, I can't do that to my sister---NO, I will not fucking do that."