May 17, 1997 Saturday
Somewhere in the Park
International Family Day
"Daddy! I want to ride the carousel!" Walong taong gulang ako noon at labingtatlo naman na si ate Lily.
"Do you want to ride the carousel, Lily?" tanong ng daddy kay ate. Tumango naman ito nang marahan.
"Okay, we'll ride the carousel." Hinila kami ng daddy patungo sa bilihan ng ticket at pumila pagkatapos para sa sususnod na pag-ikot ng mga kabayong inasam ko.
"Daddy cotton candy!" sigaw ko pagkababa naming sa mga estatwang kabayo.
"Do you want to eat cotton candy, Lily?" Muli namang tumango ang ate niya kaya ibinili silang dalawa. Tahimik kaming nakaupo sa sarong na inilapag ng mommy sa damuhan nang biglang nagsalita ang ate.
"Daddy, I like the balloons..." mabilis na tumayo ang daddy at bumily kaagad ng lobo para sa amin ng ate.
"Daddy, let's go to the horror house." Itinuro ko ang horror house, nilingon ng daddy ang ate at umiling ito.
"Not that Sola." Malungkot ko nalamang inubos ang cotton candy at nag-isip.
"How about roller coaster?" tanong ko ulit kay daddy na automatic ang paglingon sa ate, pinanalangin kong tumango siya pero bigo ako nang umiling muli ang ate.
"Mommy, let's ride the roller coaster, please..." umiling naman ang mommy kaya naman itinuro ko ang ice cream.
"Ice cream nalang po, mommy." Nilingon muli nito ang ate.
"Halo-halo ang gusto ko, my." Sagot ng ate niya kaya iyon ang ibinili ng mommy niya sa kanilang dalawa.
Pauwi na kami nang hilahin ng ate si daddy sa horror house. Akala ko ay tatanggi ang daddy pero pumayag ito. Akala ko ay nagyaya ang ate dahil tinanggihan ako ng daddy pero hindi. Pagtalikod ng daday ay inilabas nito ang dila sa bibig at sinabing "bleh daddy loves me more than he loves you." Hindi na ako sumama sa horror house at nagpaiwan sa kasambahay namin na nakaupo lamang sa loob ng kotse.
"Oh why are you here? I thought you want to go inside the horror house?" tanong sa kanya nito. Iyak ang isinagot niya sa tagapag-alaga niya at humihikbing sinabi.
"I f-fe-feel s-so out of p-place."