Itim, pastel na lila, kulay abo, at puti ang mga kulay na madalas kong makasamang umiyak habang kaharap ang blangkong mga kanbas.
Kung sana, kung pwede, baka sakali, kung uulitin, kamuntik na, kulang lang, kaso, pero—iilan sa mga paborito kong mga salita na nilalaro sa tuwing ako'y gumuguho.
At kung tatanungin ako ano ang tatlong pinaka masasakit na salita para sa akin? Paborito ko ang Almost, but at If (Muntik, pero/kaso lang at Sana)