15

3 0 0
                                    

Hindi ko inakalang babalik pa ako ng Pilipinas. Bukod sa mga proffesors ko at mentors kong Pilipino, isina-alang alang ko rin ang marketplace at target consumer. Rafa helped me from planning the auction up until going home to Philippines. Naunang nakarating sa Pilipinas ang mga T.S. bags na may kaniya kaniyang pinta na ang theme ay phases of the moon x l'amour de soi (self love).

Walong handbags iyon at may kalakip na libreng painting ang bawat isa. Iyon ang naisip niyang marketing strategy. Pagdating sa Manila ay nicheck muna nya ang pagkakaayos ng mga paintings at bags. Sa bawat nakasabit na painting ay nakatapat ang kapares na hand bag na selyado ng glass box. Naka ayos na rin ang lahat ng kakailanganin para bukas. Pagkatapos niyon ay tumuloy na sila sa penthouse ni Rafa. Isa si Rafa sa pinaka sikat na designer sa France at kilala na rin ang Rafa Tailor na kaniyang clothing line kaya naman ang mga paparazzi ay sunod nang sunod sa kanila.

"This is my strategy of letting people know about you." Kumindat ito sa kanya at nagpanggap na natisod.

Naglapitan naman ang mga paparazzi na walang humpay sa kakukuha ng larawan.

"Are you preparing for a fashion show?"

"How's france?"

"Are you here for vacation or for work?"

"Who's this? A new model from France?"

At nang marinig ang huling tanong na iyon ni Rafa ay hinarap niya ang nagtanong.

"More than that, she's actually an artist from here but Philippines is too small for her talent." Siya na ngayon ang center ng usapin, ilang click ng camera at mga tanong na akala niya ay sa mga aktres at actor lamang naitatanong.

"A painter? Or a designer?" usisa ng kulot na babaeng may makapal na salamin.

"Both. Be at Rafa Gracia's Auctions at 9:00 am tomorrow. Don't be late." Pagkatapos niyang makuha ang gusto ay hinila na siya nito papasok sa main gate ng The Estate Makati.

Hinarangan naman ng mga guards ang mga paparazzi na hindi nauubusan ng tanong.

"We already have an exclusive interview for the event right?" tanong niya rito habang papasok sila sa elevator.

"We need the media. The people will be curious about you now. And boom! Your next auction would be the battle of gold bars." Natatawang pinindot nito ang password ng penthouse.

"Thank you." Seryoso niyang saad.

Ngumiti naman ito inilapag nito ang handbag na iniregalo niya na may pinta ng big at little dipper ngunit ang pokus ay ang polaris.Naghubad ito ng stiletos at hinarap siya.

"We are family, you're my sister. No need for thank yous baby." Niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi saka dinampot ang handbag sa mesitang aakalain mong marble ngunit kahoy ito na pulidong inukitan ng mga markang makikita sa mga marble.

"And this? This kind of art? I don't need to promote it for the world to recognize you. I just wanted to make it fast for the people to meet you. Pinagkaitan kang makilala, you have been one of the famous artist since your 16th birthday if only your parents let you take your own path." Ngumiti siya at umiling.

"This is God's timing." Niyakap siya nito at tinitigan pagkatapos ay tumango.

"How I wish you were my sister." naluha siya sa tinuran nito at sumagot.

"I am your sister. Kasasabi mo lang kanina." Natawa ito at pinalo ang pwet niya.

"Change for something sexy."

"Why? Aren't we eating here?" Umiling ito.

"I'm meeting my friends, club." Nilaro nito ang kilay at binigyan siya ng nakakalokong ngiti.

"I can't drink tonight, alam mo naman na bukas ang auction." Umupo siya sa sofa na katerno ng kulay ng pader. The ceiling is white and the walls are pastel gray. Hinubad niya ang itin na coat at sumandal sa sofa.

"We're not drinking okay. We'll just have a pre celebration." Pumasok ito sa pinto ng dressing room nito, sinundan naman ni Ria ang pinsan.

"We have our post celebration. I don't wanna be late tomorrow." Inabutan siya nito ng black sweetheart tube top at black pencil cut mid tigh skirt.

"We will not drink any alcohol beverage; we'll just meet some friends, and who knows? Your future boyfriend might be there." Tinanggap niya ang ibinigay nitong outfit at sumabay sa pag-aayos nito.

"Earrings" inabutan siya nito ng pares ng Chanel crystal drop dangling earrings na tinanggihan niya.

"I have my Bvlgari." Ipinakita pa niya na isinusuot na niya ang pares ng Bvlgari yellow gold drop dangling earrings.

Pagkatapos isuot ang top na ibinigay nito ay tinernuhan niya ng High waisted Chanel denim square pants.

"You don't like the skirt?" tanong ng pinsan nang mapansing nagpants siya.

"Too short." Sagot niya at nag wisik ng kaniyang Bvlgari secrets of love perfume.

Natawa pa siya ng ituro nito ang suot. It was a short fitted spaghetti strapped black Chanel dress. It looks so good on her, Rafa does not have the voluptuous type of body. Her body is not too skinny but sexy, not voluptuous but sexy. Halos iluwa ng half cupped ng dress ang dibdib nito kahit hindi naman kalakihan. The secret of making it look big is to wear a cup smaller than your original cup size.

"You're that. This is me." natatawang saad ni Sola.

Hinila naman siya nito palabas. Dinampot niya ang small black polaris style purse at dinampot rin nito ang handbag na iniregalo niya rito.

"I thought you'll attend an auction in Paris?" salubong niya sa Filipino-German na nagging kaibigan niya sa Paris.

"I didn't go there, I heard yours will be tomorrow that's why." Sagot nito habang binebeso siya sa magkabilang pisngi.

"Thank you, Margue." Ngumiti ito at inabutan siya ng strawberry juice.

"No worries. Don't drink alcohol tonight Sola."

"Yes, ma'am." Natawa sila sa kaibigang alam ng lahat na ginagawang tubig ang alak.

Sorrows of SolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon