8

10 1 0
                                    

"Aalis ka na lang bigla? May naghihintay ba sa 'yo sa Paris?" tanong ni Yana habang umiiyak.

"Wala rin namang nakalaan sa akin dito. Iiwan ko sa 'yo itong kotse ha." sagot ko habang iniaabot ang regalo ko sa kaniya.

"Oh, para saan naman 'to?" suminghot siya at binuksan ang regalo ko. Tumawa ako at ipinark na ang sasakyan.

"Edi farewell gift."

"Ang ganda." Napangiti ako ng makitang nagustuhan niya ang regalong kwintas na ang pendant ay ang logo ng zodiac sign naming dalawa. Acquarius. 

"Hindi ka man lang ba tatawag sa mommy mo, Sola?" Nagbuntong hininga ako at ibinukas ang pinto ng driver's seat.

"Ayaw kong saktan pa ang sarili ko, Yana. Bukas nalang ako magsasabi, abala rin naman sila sa kasal ni ate."

"Bago ka umalis, iwan mo na rito ang lahat ng sakit at kalungkutan mo, sabihin mo sa akin ang lahat, handa naman akong makinig. Bakit ba kayo nagkahiwalay ni Jude?" Muli kong isinara ang pinto ng kotse at hinarap si Yana. Hindi ako kumibo kaya muli siyang nagsalita.

"Hindi pwedeng nagising ka na sila na lang bigla. Walang ganon, Sola."

"Aalis na lang ako, dudurugin mo pa ako." natatawa kong sagot sa kaniya na inismiran niya lang.

"Gusto ko pag lapag mo sa Paris, na sa sitwasyon ka na ng pag galing. Hindi maghihilom ang sugat kung hindi mo hahayang dumugo at kumirot."

"Dumudugo at kumikirot Yana, isang taon na." sagot ko.

"Tinatakpan mo lang, Sola. Dumudugo nga pero hindi naghihilom."

"Lilipas din 'to, Yana."

"Sola.."

"Yana, kaya hindi ko masabi dahil hindi ko kaya." Muling bumuhos ang mga luhang isang taon kong ikinukubli sa mga pekeng ngiti. Humagulgol ako, ibinalot ako ni Yana sa mainit na yakap niya. Mahigit isang oras akong umiiyak. Wala akong narinig kay Yana, pawang haplos sa aking likod ang aking nadama.

"Nahuli ko sila." kumalas ako sa yakap at pinalis ang mga luhang nagiwan ng lagkit sa aking pisngi.

"Si Jude at ate Lily? Paan--saan?" litong tanong ni Yana. Suminghot ako at muling sinubukang buoin ang aking boses na pumiyok din sa huling salitang ibinigkas ko.

"Sa kwarto ni ate." huminga ako ng malalim at nagpatuloy.

"Ibabalik ko noon yung hiniram kong pera kay ate, nagpa-gabi ako dahil ayaw kong malaman nila mommy. Hindi na ako kumatok at dahan-dahan kong ibinukas ang pinto at mabilis na pumasok. At akala ko tumigil talaga ang mundo." natawa pa ako, dahil pinipigilan kong sumabog, kaya naman itinigil ko ang pagkukwento dahil parang bumabalik sa akin ang lahat. Parang kahapon lang naganap.

"Nagloko si Jude at ang ate mo ang babae, paanong pumayag sina daddy mo?"

Tuluyan ng naging totoo ang tawa ko.

"Dahil lisensyado ang ate. Sino daw ba ang pipili sa akin gayong lisensyado rin si Jude at pareho sila ng karerang tinatahak." Napa-iling si Yana at muli akong niyakap.

"Bakit ba kasi hindi ko maipasa ang LET?"

"Bakit ba kasi naaksidente ako noong unang hearing ni daddy?"

"Yana, wala naman akong balat sa pwet, pero bakit ang malas ko?"

"Hindi sapat na dahilan ang lahat ng iyan para hindi iparamdam sa iyo na pamilya ka nila. Kaya pagdating mo sa Paris, kalimutan mo na ang Pinas. Gusto kong sumaya ka. Dati ka pa kinukuha ng auntie mo, masyado ka lang martyr sa pamilya mo. Sola, hindi mo dapat ipamuhay ang pangalan mo, dahil hindi mo deserve ang mapagisa."

Sorrows of SolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon