10

9 0 0
                                    

Kahit nakaupo na ako sa loob ng eroplano ay tila naririnig ko pa rin ang paghikbi ni Yana. Ngunit masaya pa rin akong lilisanin ko na ang lugar na pilit dumudurog sa akin. Masaya rin ako na may umiyak sa paglisan ko, akala ko dahon lang ako na walang makakapansin na lagas na ako, kahit papaano lamang pala ako ron, may nakakapansin rin pala sa akin. Iniwan ko ang lahat ng gamit ko kay Yana, ipinatatapon ko na ang karamihan don, pawang papeles at ilang pares lamang ng damit ang isinama ko sa akin. Handa na akong magsimula.


"Oh hija, inihanda ko na ang kuwarto mo, sa tabi ni Rafa sa second floor ha. Ihahanda ko lamang ang lunch mo ha." Nasa gate pa lamang kami galing airport ay excited na agad ang untie na maghanda ng pagkain ko. 

Ang bilin ko ay sa driver na lamang ako ipasundo, talagang mahal ako nito dahil sinundo pa talaga ako kahit na may driver naman. Siya pa ang may dala ng placard na nagsasabing ako nga ang sinasalubong nila. Halos 14 hours din ang byahe mula Manila patungong Paris, ngunit dahil sa haba ng pila at byahe papuntang bahay ni tita ay inabot na kami ng lunch time.

"Si Rafa po auntie?" Tanong ko habang pababa sa hagdan.

"May photo shoot ang batang iyon, babawi na lamang daw bukas, dahil hanggang alas tres ng umaga ang shoot." paliwanang ni tita, hindi na ako nahintay makababa, sinalubong ako sa gitna ng hagdanan at iniangkla niya ang kanang braso sa aking kaliwang braso.

"Malamang may sarili ka ng clothing line kung sinunod mo lamang ang payo ko noong pagkagraduate mo ng high school hano?"

"Tita, alam mo naman ang dahilan ko."

"Ang mama mo? Hay nako, hindi ka robot Sola. "

"Alam kong hindi ko kailangang ipaliwanag sa iyo auntie, pinagdaanan mo rin 'to." sinundan ko iyon ng pagak na tawa at umupo na. Parang hindi naman ako umalis ng Pinas sa mga pagkaing inihapag ni tita. May kare-kare, adobo, sinigang at ginisang gulay pa. 

"At parehong tinakbuhan natin ang Pinas." Tumawa ito habang pilit inilalapit sa akin ang lahat ng pagkain.

"Ayos na ito auntie, kakain nalag ako ulit kapag nagutom ako. Salamat." ngumiti ito at hinagod ang aking buhok.

"Live a happy life hija. It's time to choose yourself over people who don't even see you existing." Umalis ito saglit upang kumuha ng tubig.

"Nakapag-send na po ako ng papers sa school na pinasukan dati ni Rafa, since I have Fashion Design Apparel NC and I think I can't count my certs of seminars, they told me to just take the course for one year and six months. I need Rafa's help since I don't know the ways to get there."

"Tomorrow and the next day after tomorrow are her day offs, she can surely drive you there. After the meal, you can rest, just ring the phone  of our helpers if you need any help. My room is at the third, ring my phone if you need me. I'll just have to sign some papers."

"Yes tita, thank you. I finally felt what being home feels like. After twenty three years, I am finally home." tumayo ako at niyakap ang tita bago ito umakyat sa silid nito.


Tita Rona is a single mom, she experienced sorrow more than mine. And even though my family instilled so much negativity to our mind about tita, I believed there were reasons why she did what she did. I feel like, I know her because I feel her pain and I know that those stories are made out of anger, I know that just like me, tita was just someone people failed to notice.


Sorrows of SolaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon