Maingay ang mga kaibigan ni Rafa na nadatnan namin. Sinalubong ang pinsan niya ng nobyo nito na isang Filipino businessman na naka base sa Paris.
"Sayaw lang kami." Paalam nito sa kanilang nakaupo sa sofa. Nagtilian naman ang mga bakla na kinikilig sa pinsan niya at sa nobyo nito na napaka kisig ng katawan. Moreno ito at meztisa naman si Rafa, kung iisipin ay hindi bagay ang dalawa, ngunit dahil sa mas matangkad ang binata at magkahawig sila ng pares ng mata na malalim at itim ang kulay ay nagmumukha pa ngang magkapatid ang mga ito. Bago tuluyang umalis ay nilapitan siya ng pinsan at bumulong sa kaniyang kaliwang tainga.
"Go to the dancefloor and catch some fish." Tinanguan lamang niya ang pinsan na mabilis humalo sa mga lasing na nagsasayaw.
"Who's that dirty man looking at you?" tanong ni Margue na nagpalingon sa kanya sa katapat na mesa.
"I don't know." Aniya at inalis ang tingin sa lalakeng mahaba ang balbas at buhok.
"Greasy." Natatawang bulong ni Margue. Natakot naman sila nang lumapit ito, ngunit natawa sila nang yayain nito ang baklang kaibigan ni Rafa para sumayaw.
"I'll come to daddy!" tili ng bakla na nagpatawa sa kanila.
Nilibot niya ang mata sa maingay at busyng paligid ng club. Ang mga ilaw ay abala sa pagpapalitan ng kulay at ang mga tao ay nagsasaya. Ngunit nakuha ang atensyon niya ng lalakeng nakayukyok sa harap ng bartender at sumisigaw ng hindi naman maintindahan dahil na rin sa kalasingan. Lumapit ditto ang bouncer at tila kinapkapan ito, kinapkapan nito ang coat at inilabas ang cellphone nito ngunit umiling. Ginising ito ng bouncer ngunit hindi makausap, bigla itong tumumba at nagulat siya nang makilala niya ang lasing na lalake. Iba man ang itsura nito kaysa nakaraang taon ay kilala pa rin niya ito. Ang buhok nito na dati ay clean cut, ngayon ay hanggang leeg na, wala itong balbas at bigote ngunit ngayon ay kita na ang mga iyon. Tila tumanda ito ng limang taon. Ang makisig nitong katawan ngayon ay tila ba nagksakit ng ilang lingo, payat na ito at hapak ang panga. Hindi niya namalayan na nilapitan na pala niya ang bouncer at si Jude. Napalingon ang bouncer sa kanya at tinanong siya nito.
"Kilala niyo po ba si sir, ma'am?" nalitong tumango siya sa bouncer. Iniabot sa kanya nito ang lowbat na cellphone ni Jude.
"Jude..." Inalog niya ang balikat nito ngunit ungol lamang ang isinagot sa kanya.
"Umuwi ka na, lasing ka na."
"Hmmm.."
"Jude.." inalog muli niya ang balikat nito, nagmulat naman at tinitigan siya nito tsaka tumawa at inabot ang kaliwang pisngi niya na iniwas niya.
"Hanggang panaginip ayaw mo pa rin sa akin." Saad nito.
"Lasing ka na, umuwi ka na."
"Saan ako uuwi? Saan ka ba nakatira?" tanong nito sa kanya sabay yukyok ulit ng ulo nito sa hanging table sa harap ng bartender.
Bumalik siya sa sofa at kinuha ang cellphone sa kaniyang purse. Atubiling pindutin ang numero ng kapatid, ngunit pinili pa rin niyang tawagan ito.
"Yes, Atty. Lily speaking." Iyon ang sagot ng kaniyang ate. Binura na pala nito ang pangalan ng kaniyang numero.
"Si Sola ito ate." Hindi sumagot ang kaniyang ate kaya naman nagpatuloy siya.
"Lasing na si Jude ate, lowbat---"
"Wala akong pakealam kahit mamatay pa siya!" nagulat siya sa sagot ng kapatid.
"May problema ba?" tanong niya.
"Ikaw ang problema! At bakit nasa Pinas ka? Bakit kasama mo si Jude?"
"Ate, I just saw him here."