Sinubukan ko na arukin ang lahat,
ngunit sa bawat pagbalik ko sa bawat kahapon,
dinadala ako ng mga alaala sa dati nating tagpuan,
pinaaalala ang ninakaw sakin na pagsusuyuan.
Hindi ko maatim ang bawat alaalang bumabalik,
nawawala sa akin ang pagkasabik,
sa mga yakap at pinagsaluhang mga halik,
na nauwi sa biglaang pananahimik.
Sa bawat pagtatagpo ng ating mga mata,
ang mga mensahe ba'y iyong nakukuha?
hindi ka man lang ba nasusuklam sa sitwasyong ito?
matapos mong malasap ang mga halik ko,
paanong sa kanlungan ng kapatid ko nauwi ang pagsuyo mo?