Chapter Twenty

1.6K 67 12
                                    

Umuwi akong lutang ng araw na 'yon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Umuwi akong lutang ng araw na 'yon.

Pagkapasok ko sa aking kwarto ay agad akong napasalampak sa kama at napahagulgol. Tinakpan ko pa ng unan ang mukha para hindi marinig nila mama at papa na nasa labas lamang ng kwarto ko.

Iyak lang ako ng iyak. Tumigil lang ata ako ng barado na ang ilong ko at hindi na makahinga. Agad akong nagtungo sa banyo at naghilamos.

Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.

Bumalisbis ulit ang luha sa mga mata ko ng makita ang taong dahilan kung bakit nahihirapan si Richi ngayon.

"Bakit kasi napakahina mo, Sabel?" Naiinis kong tanong sa sarili.  Heto nanaman. Umiiyak nanaman ako dahil sa sobrang hina ko.

Habang nakikita ko ang repleksyon sa salamin ay mas napapatanong ako sa sarili, kung kaya ko ba talagang iligtas si Richi? Kung kakayanin ba ng mahinang katulad ko?

Hindi ko alam.

Hindi ko na alam.

"Richi..I'm sorry. I'm really sorry." My voice broke.  Pakiramdam ko ay kulang ang salitang sorry para sa dinaranas ngayon ni Richi.

From what I saw, Allen's blackmailing him to do bad things. Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung may mas malala pa ba doon na pinagawa si Allen sa kan'ya.

Hindi ko alam kung ilang minuto ulit akong umiyak sa banyo. Paglabas ko ay magang maga ang mga mata ko at pulang pula ang ilong ko.

Minabuti ko nalang mag stay rito sa kwarto. Pahuhupain ang kamagaan ng mata at ilong nang sa ganoon ay hindi makita nila mama at papa.

Pumwesto ako sa upuan sa may bintana mismo. Tumingin ako sa labas na madilim na. Saka ako napatingin sa maliwanag na buwan.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang mga sinabi kanina ni Wesley.

"Ngayon alam mo na. Siguro naman naiintindihan mo na?" Napabuntong hininga siya. "For now, just keep your distance, Sabel. Habang nag iisip pa tayo ng paraan para iligtas siya. Kapag malapit ka sa kan'ya, mas magkakaroon ng lakas sina Allen para i-blackmail si Richi. Hindi mo parin ba nakukuha ngayon? Ikaw ang kahinaan ng kaibigan mo. So please, just do what I said. It's for him. It's for the both of you. Kapag hindi kayo magkadikit ni Richi sa isa't isa, mawawalan ng dahilan sina Allen para i-blackmail siya. Think about it."

Napahinga ako ng malalim saka nakagat ang pang ibabang labi.

Wesley's right.

Kailangan ko talagang layuan si Richi. Para mawalan ng dahilan sina Allen para i-blackmail siya. And maybe, mawalan rin ng dahilan si Richi para sumunod sa sinasabi nila.

I sighed then closed my eyes. Trying to relax my mind. You need to get a grip, Sabel. You need to fight.

Naputol nga lang iyon nang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at binasa ang mensahe.

Deal With The Mafia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon