1 month later . . .
"Sabel!" Malakas akong inakbayan ni Luigi dahilan para pilipitin ko ang braso niya. Napaaray siya't napangiwi!
"Aray naman! Hindi porke kanang kamay kana ni--" tinakpan ko ang bibig niya! Nasa labas palang kami ng school! Pambihira!
"Sssssh!" Natatawa kong ani. "Mag ingay kapa. Isusumbong kita kay Jean."
"Tss!" Asik niya nalang nang bitawan ko. Nakanguso.
Sumakay kami ng sasakyan niya't nagtungo sa Hidden Gem. Mabilis akong pinapasok ng bouncer nang makita ako.
"Good evening, Sabel!" Bati pa nito.
Nginitian ko sila bago tuluyang pumasok.
"Naks! Famous!" Ngiting ngiti na aniya. "Parang noong mga nakaraang buwan lang, takot na takot ka pang pumasok ng cubicle--"
Piningot ko siya. Napa aray naman agad ang kumag!
"Tangina ang bigat ng kamay mo!" Angil niya. Tinawanan ko nalang siya at iniwan na rin siya pagkadaan namin sa condominium.
"Sunod ako." Tumalikod ako't kumaway sa kan'ya. Nagtungo ako sa hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao. Nang makarating sa pupuntahan ay agad akong kumatok at pumasok.
Napangisi ako nang makita si Phoenix. Prente siyang nakaupo sa swivel chair niya habang naninigarilyo.
"Hindi ba't sinabi ko ng masama 'yan?" Naupo ako sa upuan sa harap ng lamesa niya. "Bakit mo 'ko pinatawag?"
Nagkibit balikat siya. "Musta klase?"
Napangiwi nalang ako't napasimangot. "Pinapunta mo ko para tanungin 'yan, Mr. Principal?" Napabuntong hininga pa ako sa tanong ko.
Yes. Si Phoenix at si Mr. Peter Sulayman--ang school principal ng Teen High ay iisa. Shocking? Yes. Kaya pala ang lalakas ng loob ng Onyx gumawa ng gulo sa school. Tsk.
"Not really." Nginisihan niya ako. "You're leaving next week, right? I want my private transactions tomorrow morning."
"Alright. May iba pa?"
Tinitigan niya ako saka bahagyang ngumiti. "Tell him I said hi." Then he grin.
Napangisi rin ako saka na siya tinalikuran. Nagtungo ako sa HQ pagkatapos. Agad naman akong sinalubong ni Rima at Wesley--na magkahawak ang mga kamay. Lumevel up!
"Oh? Galing ka sa kan'ya?"
Tumango ako. Saka ko tinignan ang braso ni Wesley. Nagkaroon siya ng bali pagkatapos ng survival game. Kaya naman hanggang ngayon ay may benda iyon. Mabuti nalang at okay na siya. Mukhang matatanggal na ang benda no'n bago kami magtungo sa Maldives next week--na siyang bakasyunan namin ng buong Penumbra.
"Mabuti naman at magaling kana." Saka ako ngumiti kay Wesley.
"Tsk. Siya tinanong mo, ako na muntik ng mamatay, hindi?" Biglang sulpot ni Luigi. Mahaba ang nguso habang lumalantak ng spaghetti na mukhang niluto ni Elise.
BINABASA MO ANG
Deal With The Mafia ✓
Teen FictionYsabella Narciso is a walking disaster. Isa siyang malas-magnet. That's why Richi-her friend is always there to help her out. But what if..Ito naman ang mangailangan ng tulong niya? Would she be brave to face a bunch of gangsters? Would she be bra...