2 weeks had passed.
Ngayon ang simula kung saan mananatili kami ng tatlong gabi at apat na araw rito sa Hidden Gem City. Bukas pa ang simula ng 1st game pero kinakabahan na agad ako.
Physical game ang ganap bukas. Si Czarina, Rogue at Rambo ang participants namin. Hindi ko lang alam sa ibang mga gang. 2nd day naman gaganapin ang Mind game. Si Elise, Clarence at Bernie ang participants. Sa ikatlo at pang huling game ay ang Survival. Kung saan ako lalahok. Hindi ko pa alam kung sinong dalawa ang makakasama ko. Pero hula ko ay isa roon si Rima.
She's our gang leader after all.
"Dito ang magiging kwarto niyo." Si Rima na nagbukas ng pintuan ng isa sa mga kwarto. May apat iyong kama sa loob. Para saamin nina Elise, Czarina at Miyuki. Mas gusto ko na iyon kaysa mag isa ako sa kwarto. Baka mas lalo lang akong kabahan no'n. Dito, may makakausap ako.
"Sa kabilang kwarto ang boys."
"Eh, ikaw? Saan ka?" Mapanuya ang tinig ni Cza ng itanong iyon kay Rima.
Sinamaan lang siya nito tingin ng tingin bago lumabas ng kwarto.
"Hmp, tinatanong lang 'eh." Ngising aso si Cza na naupo sa isa sa mga kama.
Dumiretso ako sa pinaka dulong kama at agad na inilagay doon ang dala kong backpack. Mabuti na nga lang at pinayagan ako ni Mama at Papa. Ang sabi ko ay may outing kami na required sumama.
Hehe, sorry Lord!
"Don't asked what's obvious." Usal bigla ni Miyuki habang nakahiga na sa kama niya. Nakapikit na siya't mukhang matutulog na ata. Alas otso palang ng gabi 'ha?
Suminghap si Cza. I heard her sarcastically laugh. "C'mon! I'm just teasing her!" Umirap siya. "Boring people.."
"Alam naman na kasi natin ang sagot doon, Cza. No need to tease our leader." Mahinhing ani ni Elise habang nakangiti. Ang tono niya ay tila nagpapaintindi.
"Tss." Nahiga si Cza at agad na nagsalpak ng earphone sa tainga.
Bumaling naman ako kay Elise na katabi ko lang ng kama. "Saan ba matutulog si Rima?" Inosente kong tanong.
Nagkatinginan sila ni Miyuki bago siya sumagot. "Paniguradong sa fiance niya."
Napanganga ako. "Fiance?"
"Oh my god! Hindi mo alam?" Bulalas ni Cza na tinanggal na pala ang earphones niya. Narinig pala kami.
"Ang alin?"
"Fiance ni Rima si Wesley." Si Elise ang sumagot no'n.
Natigilan ako't napakurap kurap. Nanlaki ng tuluyan ang mga mata ko ng rumehistro iyon sa utak ko!
Engaged si Rima at Wesley?!
Narinig ko ang tawa ni Cza. "Geez! Ilang buwan kayong magkakasama, tapos hindi mo alam?"
BINABASA MO ANG
Deal With The Mafia ✓
Teen FictionYsabella Narciso is a walking disaster. Isa siyang malas-magnet. That's why Richi-her friend is always there to help her out. But what if..Ito naman ang mangailangan ng tulong niya? Would she be brave to face a bunch of gangsters? Would she be bra...