Chapter Twenty Five

1.7K 61 16
                                    

"Sorry na kung may nagawa man ako, Sabel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sorry na kung may nagawa man ako, Sabel. Wag mo lang akong iwasan."

Nahawakan ko ng mahigpit ang mga kamay ko nang maalala ang linyahan kagabi ni Richi. Napapikit pa ako't pinigilan ang sariling mapangiti.

Hala, Sabel! Nababaliw kana!

"Sabel?"

"H-Hmm?" Napalingon ako kay Elise nang tawagin niya ako. Noon ko lang naalala na nandito nga pala kami sa Hidden Gem at naglalakad papunta sa central district. Kung saan iaanunsyo ang nalalapit na Hell Game.

"Okay ka lang ba?" Mahinhin niyang tanong.

Nginitian ko siya saka tumango. "Nasaan nga pala ang iba?"

Lumingon siya sa likuran namin saka ulit bumaling saamin. "Papunta na rin 'yong mga 'yon. Nauna lang tayo."

Tumango nalang ulit ako at inabala ang sarili sa pagtingin sa paligid. Sobrang daming tao ngayon sa Hidden Gem. Papunta lahat sa Central District.  Grupo grupo ang naglalakad.

Ito ang unang beses kong makita ang mga iba't ibang myembro ng gang. Hindi ko man sila mga kilala, masasabi ko na agad na kinakatakutan sila sa kani kanilang mga eskwelahan.

Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang isang grupo na abalang nag uusap. Mga seryoso ito pero maya maya lang rin ay magtatawanan.

"That's the Happy-Go-Lucky Society."

Napatingin ako kay Elise nang sabihin niya iyon. Nakatingin na rin siya ngayon sa grupong tinitignan ko kanina. Ngumiti rin siya agad saka mahinang tumawa. "Mababait ang mga 'yan. Lagi  man silang huli sa ranking, pero lagi rin silang masaya pag magkakasama."

Nginitian ko siya at hindi nagsalita.

"Hindi lahat ng gang masama ang layunin, Sabel. Ang iba ay gusto lang ng mga kaibigan, makakasama, makakasangga. Ang iba pa nga ay dahil trip lang. Hihi." Mahina siyang tumawa saka itinuro ang sarili niya. "Katulad ko."

Natawa naman ako dahil doon.

"Pero.." Bigla siyang sumeryoso. "Hindi parin mawawala ang iilang myembro na may masamang layunin. Katulad nalang ng Onyx." Binulong niya nalang ang panghuli niyang sinabi. Siguro para walang makarinig.

"Kanina pa kayo?" Biglang sulpot ni Luigi sa gitna namin kaya naman sabay kaming napailing ni Elise.

"Sakto. Nandiyan na sila. Tara!" Tukoy niya kanila Rima na nasa likuran na pala namin naglalakad.

Sabay sabay kaming nagtungo sa central district. Nang mag saktong alas sais ng gabi ay nasa pinaka centro na kaming lahat kung saan may malaking screen projector.

Biglang dumilim ang buong paligid. Pakiramdam ko ay pinatay lahat ang ilaw sa mga kalapit na botika. Naramdaman ko si Elise na humawak sa braso ko. Si Luigi naman ay nagtungo sa unahan ko.

Deal With The Mafia ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon