Agad niyang ibinaba ang baril nang mapaharap ako sa kan'ya.
"Ikaw lang pala." Aniya saka nilampasan ako't dumiretso sa bar counter. Kumuha siya doon ng alak. Kumuha rin ng baso at saka iyon isinalin doon. Ngumisi siya saakin. "Kumuha na 'ko. Pakisabi nalang sa may ari libre na 'to." Pagkatapos ay nilagok niya 'yon.
Napaupo ako sa malayong high chair. Nakita kong napatingin siya sakin pero agad ring nag iwas ng tingin.
"Hindi kaba natatakot na baka patayin kita?" Tanong niya bigla. Nabaling ang tingin ko sa kan'ya. "I can kill you here and now."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya kaya naman nagtuloy lang siya sa pag inom. Kalaunan ay naglabas siya ng sigarilyo at bago pa man niya iyon masindihan ay nakalapit na ako't inagaw iyon.
"Masama 'to sa katawan," Richi..
Matalim niya akong tinapunan ng tingin. Kapagkuwan ay natawa siya. "Nababaliw na nga ako." Aniya.
Bumaba ulit ang tingin niya saakin. Nakangiti siya. Hindi ko alam kung anong kangiti ngiti sa sitwasyon ngayon o sa sinabi niya.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong paupuin sa isa sa mga high chair, napatili ako sa gulat. Saka siya tumayo at na corner ako! Napasandal tuloy ako sa hamba ng bar counter!
"A-Anong ginaga--"
"You also smell like her." He whispered. "Smell like strawberry."
Napaawang ang bibig ko.
"Bukod sa mukha, sa kilos, sa reaksyon at sa boses," ngumiti siya na ikinalunok ko. "Pati ang amoy ay parehas kayo?" Nagtataka niyang tanong sa sarili.
Napaiwas ako ng tingin. Hindi alam ang sasabihin.
"Sabel.."
Otomatiko akong napabaling sa kan'ya. Tuluyan nanlaki ang mga mata ko nang makitang nawala ang ngiti sa labi niya.
Nangarag ako at nataranta. Pinilit kong kumawala pero hindi niya ako hinayaan.
Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "They are right."
Nagtataka ko siyang tinignan.
Seryoso siyang tumitig saakin. "You're really here." Mas lumapit siya ng husto. "What are you doing here..Sabel?" Malumanay niyang tanong. Puno iyon ng pag aalala.
Hindi ko siya sinagot. Binalak ko ulit kumawala pero masyado siyang malakas!
"You can't fool me anymore." Nanghihina niyang bulong bago inihiga ang ulo sa balikat ko. Naramdaman ko ang panginginig niya.
"R-Richi.."
"Damn it, Sabel. I was worried when I heard them talking about you. Akala ko mali lang ako ng dinig na nandito ka." Tumingala siya saakin. Nanlambot ako nang makita ang panunubig ng mga mata niya. "And now..you're actually here."
BINABASA MO ANG
Deal With The Mafia ✓
Teen FictionYsabella Narciso is a walking disaster. Isa siyang malas-magnet. That's why Richi-her friend is always there to help her out. But what if..Ito naman ang mangailangan ng tulong niya? Would she be brave to face a bunch of gangsters? Would she be bra...