"You're spacing out again."
Napalabi nalang ako saka napahinga ng malalim sa tinuran ni Luigi. Nandito kami ngayon sa isa sa mga mamahaling restaurant. Dinala niya ako dito dahil lunch time na.
Opo. Sosyal ang loko.
Hindi naman sana ako sasama sa kan'ya, ang kaso nakita ko si Richi na papunta na naman sa room namin. Sakto namang nandoon si Luigi at inaaya akong sabay daw kaming mag lunch. Wala na akong nagawa kundi sumama.
But I doubt it. Pakiramdam ko ay naroon siya dahil kay Jean. Tsk. Malas niya dahil wala si Jean.
"C'mon eat." Ngumiti siya. "Pagkatapos ay ipakilala mo ako kay--"
Sabi ko na nga ba!
Bago pa siya matapos ay umiling na ako. "Hindi pwede. Malandi ka."
"Malandi? Ako?"
"Oo. Kitang kita ng dalawang mga mata ko, Luigi. Sa Uptown." Pinaningkitan ko siya ng mga mata.
But he just laugh of what I said. "Kasama iyon sa trabaho, Sabel. 'To naman. Atsaka, you also flirted with Dela Cuesta." Binulong niya ang panghuli niyang litanya bago ngumisi.
Natahimik ako saka napangiwi. Iniisip ko palang na I flirted kuno kay Allen ay kinikilabutan na ako.
"Mag mumog ka ng holy water mamaya, ha? Sama ng tabas ng dila mo 'eh." singhal ko.
Natawa siya. "But seriously? It's part of the job. Tingin mo, aside from great services and great products, bakit ba bumabalik ang mga customers?"
Hindi ako nakasagot. Nang wala siyang nakuhang sagot mula saakin ay lumawak ang ngisi niya.
"It's because of the workers, Sabel. The handsome workers..like me."
Doon ako napangiwi. Ang kapal naman talaga. Noong una kong pagkakakilala kay Luigi ay akala ko'y pa sweetums siya. Ngayon ay mukhang sa isip ko lang pala iyon.
Tsk. Tsk.
Uminom siya ng juice saka nagsalita ulit. "Nga pala, sigurado kana ba sa desisyon mo?" He asked.
I sighed. "As If I have a choice. I need to save my friend, Luigi."
"Delikado 'yon."
Hindi ako nakasagot. Tinignan ko ang steak sa harapan ko at wala sa sariling tinusok tusok iyon ng tinidor.
"You should first ask Rima kung papayag siya."
Nangunot ang noo ko at napaangat ng tingin sa kan'ya. "Ano?"
"What?" He asked with a frown.
"Luigi," I sighed again. "I need to do this. Kaya nga ako todo ensayo, diba?"
"But it's too dangerous. Hindi pa nga natin alam ang mga magiging specific game niyan. And it's your first time. Tapos gusto mong magparticipate?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
BINABASA MO ANG
Deal With The Mafia ✓
JugendliteraturYsabella Narciso is a walking disaster. Isa siyang malas-magnet. That's why Richi-her friend is always there to help her out. But what if..Ito naman ang mangailangan ng tulong niya? Would she be brave to face a bunch of gangsters? Would she be bra...