"Dalhin mo sa table nila. Wag na wag kang magsasalita. Kung tanungin ka man, tipiran mo lang ang mga sagot mo. Okay ba?"
Sunod sunod ang pagtango ko sa mahabang litanya ni Luigi. Kinakabahan man ay kailangan kong lakasan ang loob ko.
You can't fail this, Sabel.
Napalunok muna ako bago kinuha ang tray na naglalaman ng iba't ibang klase ng alak. Mag iinuman ang buong Onyx. May bucket iyon ng yelo at may mga wine glass rin.
Maingat kong dinala iyon sa mahabang table na inookupa ng Onyx. Sobrang dami nila. Tingin ko ay parehas sila ng bilang namin sa Penumbra.
Muntik pa akong makasanggi ng lasing na babae. Mabuti nalang at nakaiwas agad ako. Kinakabahan akong napahinto sa paglalakad at napahinga ng malalim.
Focus on your sorroundings, Sabel! Hindi ka pwedeng dikitan ng malas ngayon!
Naglakad ulit ako patungo sa kanilang pwesto. Nang tuluyang makalapit ay doon ko lang narinig ang pinag uusapan nila.
"Tangina mo talaga, Ryo. Paano mo naikama 'yon? Sobrang hinhin no'n eh." Ngising tanong noong balbas sarado.
Binaba ko sa harapan nila ang tray na hawak ko.
"Ako pa ba? Eh ang bilis nga niyang bumigay noong hinawakan ko." Ngising sagot naman no'ng tingin ko ay Ryo.
"Iba ka talaga! Hahaha! Bigay mo naman number niya saakin? Patikim."
"Sure." Saka sila nagtawanan.
Nanginginig ang kamay kong ibinaba sa lamesa iyong bucket na puno ng yelo.
Mga animal!
"Tama na nga 'yan. Anong plano natin?" Narinig ko ang boses ni Wendel sa di kalayuan. Pero nanatili akong nakayuko at ibinaba ang mga alak sa lamesa.
"Plano? E'di manalo. Tutal nariyan si Chase." Si Allen iyon. Narinig ko pa ang matunog niyang pag ngisi. "Nakakainis mang isipin, pero mas mapapadali ang pagkapanalo natin ngayong kasali na ulit siya."
Narinig ko ang palatak na pag ismid nang isa. "Eh, boss? Ikaw naman talaga ang leader namin 'eh. Ayaw na namin sa kan'ya. Masyado na siyang boring. Ni ayaw manakit." Saka iyon tumawa.
Boring? Anong boring sa ayaw manakit?! Sira ba ulo nito?? Gusto ko sanang makita ang nagsabi no'n pero pinigilan ko ang sarili ko.
Pero ano daw? Wala rito si Richi? Nasaan siya?
"Mabuti pa noon noong hindi niya pa nakikilala ang babaeng 'yon. Halos pumatay na siya."
Natigilan ako. What?
"Tsk. Pag iyon dumating at narinig ka, masasapak kita, Jack."
Nang matapos ako sa pagbababa ng mga alak ay doon ko na kinuha ang tray. Tatalikod na sana ako nang biglang may magsalita.
BINABASA MO ANG
Deal With The Mafia ✓
Teen FictionYsabella Narciso is a walking disaster. Isa siyang malas-magnet. That's why Richi-her friend is always there to help her out. But what if..Ito naman ang mangailangan ng tulong niya? Would she be brave to face a bunch of gangsters? Would she be bra...