"Doctor Love"

18 2 0
                                    

Two days after finalizing the temptation island idea, I packed my stuff and asked permission to my parents na I'll be staying in our province the whole summer. Nagpaalam din ako na gagamitin ko ang rest house ng lola namin pero syempre, hindi ko naman sinabi na may plano akong magpaka-kupido. Sina Vernon and Dino naman, nahirapan pang magpaalam sa mga magulang nila, buti na lang at may tiwala sa akin ang parents nila at nakikita pa nila na ako yung mabait na friend nina Vernon – kahit ako naman talaga ang pasimuno sa mga kagaguhan namin – pero hindi naman kagaguhan ang temptation island, may magandang dulot naman 'to... siguro?

After packing my stuff, I booked a ride going to the domestic airport... syempre, gusto kong makarating ng maaga para maayos ko na ang mga dapat ayusin. While I was on my way, I opened our group chat to call Vernon and Dino to check if papunta na rin ba sila.

"Excited ka naman masyado, mamaya pa naman yung flight natin." Dino says, at syempre, umikot na naman ang mata ko.

"Dino! Kailangan na natin mauna dun, dahil magagahol tayo sa set design mamaya."

Vernon: Wow, 'set design'. Very performing arts naman yung term. Remember, this isn't a TV show, ha?

"Alam ko, bakit? Bawal na bang gamitin ang set design na term? Tsaka, wag niyo nga akong nililibang, papunta na ba kayo o hindi pa?"

Dino: Papunta na. Katatapos ko lang maligo. Mabilis na lang 'to.

Vernon: Ako naman, I packed my things na.

"Ayan, mabuti. Wag niyong kalimutan yung speakers, microphone, printer, papel, blindfolds, and masks para sa masquerade, okay?"

Dino: Yes, ma'am. Nasa isang box naman na yung mga pinapadala mo. Organized akong tao, eh.

"Ah, okay. Eh 'di mabuti. Sige, hintayin ko na lang kayo sa airport. Natawagan niyo na ba yung mga lalake?"

Vernon: Ah, yes. I called them and they're ready na raw for later. Afternoon yung flight nila, diba?

"Yes, para hindi sila magkita-kita. Eh, sila Jeong, natawagan niyo na?"

Dino: Hindi sumasagot si Jeong ngayon. Pero nakausap naman na namin siya kagabi.

"Bwisit talaga yung babaeng yun. Ako na tatawag sa kanya pagdating ko sa airport. Malapit naman na ako, eh."

Vernon: Okay, bye na. We're all set naman na so you don't have to worry too much. Ingat ka.

I ended the call and asked the driver if malapit na ba talaga kami kasi hindi ko naman talaga alam kung naasang lugar na ba ako.

Pagdating ko sa airport, umupo muna ako saglit sa bench at tinext si Hyun at Jeong.

Hindi sila sumasagot, kahit tawagan ko sila, hindi sila sumasagot.

After a few minutes, may tumawag sa pangalan ko, I turned to see them, ang mga kaibigan kong single na matutulungan ko dahil sa temptation island.

Sofia Jeong, a.k.a. Tita Soap. She just graduated college, and is an aspiring lawyer kaya't paparusahan niya ang sarili niya sa darating na pasukan by enrolling herself into law school. I call her Tita Soap dahil noong classmates pa kami, nakita ko na may dala siyang bar of soap; she just wants clean hands daw, kaya nag amoy sabon na rin siya. I also call her 'Tita' dahil para siyang ganap na tita na, madalas siyang galit sa mga kaklase namin, lalo na sa maiingay, hindi rin siya masyadong updated sa mga bagong films and music, masyado siyang naka-focus sa mga libro niya. Ang kaya niya lang daw panoorin nang matagal ay ang mga commercial sa TV. She loves reading, minsan nga natatakot na ako sa mga binabasa niya, nagbabasa na siya tungkol sa existentialism, kinekwestyon na niya ang pagkatao niya at kung ano ba ang purpose niya. Kaya ngayon, bibigyan ko ng purpose ang buhay niya, magiging temptation siya sa mga lalake. Mabait naman si Sofia; may pagka-maharot din naman, hindi niya lang kayang panindigan ang mga kalandian niya, nakakalimutan niya raw kasi minsan na oo nga, lumalandi nga pala siya.

Temptation Island | svtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon